DMW

11 OFWs sugatan sa sunog sa Kuwait

June 13, 2024 Jun I. Legaspi 138 views

KINUMPIRMA ng Department of Migrant Workers (DMW) at Migrant Workers Office sa Kuwait (MWO-Kuwait) na 11 overseas Filipino workers (OFWs) ang apektado sa sunog na pumatay sa 49 katao.

Naganap ang sunog alas-4:30 ng umaga nitong Miyerkules (9:30 a.m., June 12 sa Pilipinas) sa Mangaf na isang coastal city sa Kuwait.

Sa ulat kay DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac, sinabi ng MWO-Kuwait na tatlo sa 11 ang nasa ligtas nang kalagayan at nasa ospital pa ang tatlo kasama ang dalawa na nasa intensive care dahil sa mga tinamong injuries.

Patuloy namang inaalam ang kalagayan ng limang iba pang biktima.

Inatasan ni Secretary Cacdac ang MWO-Kuwait na ituloy lamang ang koordinasyon sa hospital authorities hanggang matiyak ang kalagayan ng iba pang OFW.

Inatasan din ng kalihim ang MWO-Kuwait at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Welfare Office sa Kuwait na alamin ang pangangailangan ng anim na OFWs.

AUTHOR PROFILE