
11 bagong pambato na sexy stars ng Vivamax ipinakilala
BONGGADERA ang ginawang selebrasyon ng Vivamax para sa panibagong milestone na naabot nito sa pagkakaroon ng 11 million subscribers sa loob lamang ng tatlong taon.
Bilang pagdiriwang sa mabilis na paglobo ng subscribers nito mula nang i-launch ng Viva big boss na si Vic del Rosario nu’ng pandemic, ipinakilala ng magkapatid na Del Rosario — Vincent at Valerie — ang 11 bagong mukha at pambatong sexy stars na mas lalong magpapainit sa linggu-linggong release ng fastest growing video-on-demand service sa bansa at overseas.
Rumampa isa-isa sina Dyessa Garcia, Rica Gonzales, Christy Imperial, Vern Kaye, Jenn Rosa, Athena Red, Alessandra Cruz, Candy Veloso, Mariane Saint at Skye Gonzaga. Hindi naman nakarating si Arah Alonzo.
Naroon din para sumuporta ang OG Vivamax A-lister na si Azi Acosta, pati na si Quinn Carillo, atbp.
Mula 2021, meron nang halos 500 titles ang Vivamax. Halos 200 dito ay original productions. Sa ngayon, anim na BL (Boy’s Love) titles din ang inihahanda ng Vivamax sa pakikipagtulungan sa The Idea First Company nina Direk Perci Intalan at Jun Lana.
Ayon kay Vincent, “Ang maganda with Vivamax siyempre nu’ng ni-launch siya it was intended for Filipinos dito and then overseas, ano? But ngayon nakikita namin that we are appealing to yung mainstream audience in different territories. So like in Indonesia, we started incorporating Bahasa subtitles and I think we have close to a million subscribers there, locals na hindi Filipino, Malaysia, Singapore, in Japan, in Europe sa UK. And then of course, nagulat kami, may India pa, eh. So kaya I think ‘yung content is resonating beyond our kababayans so I think ano ‘yon, parang testament du’n sa magandang mga kwento na sini-share natin, beautiful ladies na nandoon and of course, male talents din namin, so happy kami dahil ‘yun is beyond what we expected.”
Sey naman ni Valerie, “Ang pasabog po hindi po ‘yan titigil, so marami pa po kaming baon so abangan po natin yan but happy po kami sa Vivamax at sa Viva na nakaabot po tayo sa 11 million subscribers and really there’s a lot more in store for everyone na aabangan po natin, so abangan po natin yan, please.”