Default Thumbnail

1 sa 4 na masaker suspek timbog sa Navotas

December 23, 2023 Edd Reyes 183 views

NATIMBOG na ng mga pulis ang isa sa apat na suspek sa masaker ng apat na tao, kabilang ang menor-de-edad na binatilyo, may anim na buwan na ang nakalilipas sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang natimbog na si Ananias Tolentino, 34, ng Blk. 21, Lot 10, Dapa St., Brgy. NBBS.

Inaresto si Tolentino dahil sa apat na counts ng murder. Nahuli siya dakong alas-5:00 ng hapon sa Bidbid St., Brgy. NBBS-Kaunlaran.

Nakilala ang nahuli na isa sa apat na suspek sa masaker. Isa siya sa sakay ng dalawang motorsiklo na nakuhanan ng CCTV footage ng isagawa ang krimen

Nangyari ang pag-masaker sa mga biktimang sina Allan Sioson, 49, Rosalia Mena, 26, Sally Saplao, 41, at 15-anyos na binatilyo noong Mayo 29, 2023 dakong ala-1:30 ng madaling araw sa kanilang bahay sa Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN).

Nasa second floor sina Sioson at Mena nang pasukin at ratratin ng dalawa sa apat na suspek pero madamay ang dalawa pa bago tumakas, sakay ng motorsiklo patungong C-4 Road kasunod ang dalawa pang suspek na nagsilbing look-out.

Napag-alaman na lumaya si Sioson noong 2021 mula sa kulungan.

Sinabi ni Col. Cortes sa People’s Tonight na ilang linggo pa lamang isinagawa ang pag-masaker nang madakip ng Navotas police si Tolentino sa isang buy-bust pero nakalaya dahil sa plea-bargaining agreement.

AUTHOR PROFILE