1.2M Moderna doses dumating sa bansa

September 30, 2021 Jun I. Legaspi 185 views

DUMATING sa bansa ang 1,233,300 million doses ng Moderna para sa COVID-19 vaccines na binili ng gobyerno at private sector, Thursday.

Ang nasabing vaccines na sakay sa China Airlines ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, 9:30 a.m.

Ayon sa National Task Force Against COVID-19, ang 863,800 doses ay binili ng gobyerno samantalang ang 369,500 doses ay binili ng private sector.

Ayon sa latest shipment record umabot na sa 6.5 million Moderna vaccine ang na delivered sa bansa.

Ayon sa record mula ng simulan ng pamahalaan ang immunizaiton program noong March ang pamahalaan ay nakapag administered na ng halos 44 million doses.

Target ng pamahalaan na mabigyan ng vacccine ang 77 million individual bago matapos ang taon upang maabot ang heard immunity laban sa deadly virus.

AUTHOR PROFILE