
1.2K na dagdag pwesto sa PGH inaprubahan ng DBM
INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang 1,200 na karagdagang posisiyon sa Philippine General Hospital, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).
Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na makapagbigay ng mahusay at mabilis na serbisyo, dagdag pa ng PCO.
Ito’y bilang tugon sa kahilingan ng PGH na palakasin ang organizational at manpower capacity ng hospital.
Inaasahang sa pamamagitan ng karagdagang posisyon ay mas marami pang Pilipinong nangangailangan ang mabibigyan ng maaasahan at de-kalidad na serbisyong medikal ng PGH.