Zubiri

Zubiri binira ‘fake news’ empleyado ng SMNI

December 3, 2023 PS Jun M. Sarmiento 135 views

TINAWAG ni Senate President Juan Miguel Zubiri na “fake news” ang mga pahayag ng empleyado ng Sonshine Media Network Intl (SMNI) na nagsabing empleyado ng Senado ang nag-leak ng impormasyon sa kanya tungkol sa ‘di umano’y napakalaking travel expenses ni House Speaker Martin Romualdez.

Sa isang pahayag, kinondena ni Zubiri ang SMNI employee at sinabing wala siyang nakikitang rason kung bakit gagawin ng empleyado ng Senado ang mag-leak.

Ayon pa sa senador, wala niyang makitang rason kung bakit makikialam sa galaw ng Kongreso ang isang empleyado ng Senado lalo’t walang motibo siyang nakikita para gawin ito ng sinuman.

Isang na naman aniyang “fake news” ang alibi na ito para makalusot lang ang tunay na may kasalanan.

“I have no knowledge whatsoever of anyone from the Senate leaking information to any reporter on any House matter.

“Until the concerned resource speaker names a Senate employee, there is no reason to believe that these allegations are anything more than intrigues being sown to create controversy and fake news.”

Ayon pa kay Zubiri, malalim ang respetuhan ng dalawang kapulungan at hindi maaaring gawin ng bawat isa ang ganitong gawain.

“We respect inter parliamentary courtesy and would not want to put a rift in the very strong partnership that we have with the leadership and the members of the House,” ani Zubiri

Dahil dito, mas iginiit ni Zubiri na dapat lalo aniyang paigtingin ang imbestigasyon laban sa nasabing resource person hanggat umamin ito sa source ng kaniyang tahi-tahing kasinungalingan.

Dinagdag pa niya na mas tamang ipitin ng husto ang empleyado ng SMNI at sakaling hindi ito umamin ay i contempt ng Kongreso upang hindi na pamarisan ng mga mahilig sa fake news.

“I would suggest that the House continue their investigation until they get to the bottom of this accusation, and press for the concerned person to reveal the name of their alleged source from the Senate,” sabi ni Zubiri

Sakali namang mabigyan ng pangalan ang diumano’y source ng empleyado ng SMNI, sisiguraduhin ni Zubiri na mapapatawan ito ng matinding parusa para hindi pamarisan.