Zsa-zsa1

Zsa Zsa annulled na, pwede nang pakasalan si Arch. Conrad

March 3, 2022 Aster Amoyo 1433 views

Zsa-zsaDIVINE Diva Zsa Zsa Padilla is free to marry her longtime partner na si Architect Conrad Onglao na matagal na ring annulled ang marriage sa kanyang first wife, ang kilalang interior designer na si Ivy Almario kung kanino siya may dalawang anak na parehong lalake.

Annulled na rin ang kasal ni Zsa Zsa sa kanyang ex-husband na si Dr. Modesto Tatlonghari, ama ng panganay niyang anak na si Karylle.

Zsa Zsa has two other daughters sa kanyang longtime partner, ang yumaong comedy king na si Dolphy, ang kanilang adopted daughter na si Nicole Quizon at biological daughter na si Zia Quizon.

Nung bago pa lamang ang relasyon nina Zsa Zsa at Arch. Conrad ay nag-plano silang magpakasal sa Venice, Italy pero hindi na ito natuloy hanggang sa kanilang panandaliang paghihiwalay in 2016 na umabot din ng halos anim na buwan. Pero muli silang nagkabalikan nang hindi inaasahang magkita ang dalawa sa isang mall in Makati.

Just recently, ang longtime partners ay nag-celebrate ng kanilang ika-walong anniversary bilang magkasintahan pero hindi na lumulutang ang plano nilang pagpapakasal. Ang mahalaga ay going stronger ang kanilang pagsasama.

Tumagal ng 31 years ang pagsasama nina Zsa Zsa at ng kanyang unang mister na si Dr. Modesto Tatlonghari, 23 years naman inabot ang kanyang relasyon sa comedy king na si Dolphy until his death in July 2012. Ngayon naman ay walong taon na ang relasyon nila ni Arch. Conrad.

EchoEcho naghahanda na para sa American dream sa New York

MAGWA-WALONG taon na ring mag-asawa sina Jericho Rosales at Kim Jones-Rosales na ikinasal sa isang beach wedding sa Shangri-La in Boracay nung May 1, 2014 pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibiyaan ang dalawa ng sarili nilang anak. Pero may 21-year-old son ang Kapamilya actor sa dating model-entrepreneur na si Kai Palomares na si Santino Rosales nung siya’y binata pa.

Ang mag-asawang Jericho at Kim have a close relationship with Kai and Santino at may pagkakataon pang magkakasama silang kumakain sa labas.

It was last month nang mag-post si Jericho sa kanyang Instagram account na sila’y nag-move na sa New York ng kanyang wife na si Kim bilang paghahanda na rin siguro sa matagal na niyang Hollywood dream. Kasama sa paghahanda ng actor ay ang pagkuha ng acting workshop sa New York.

Si Echo (palayaw ni Jericho) ay huling napanood sa hit primetime TV series na “Halik” ng ABS-CBN na ipinalabas nung 2018 up to 2019. Taong 2018 naman nang gawin niya ang 2018 Metro Manila Film Festival movie na “The Girl in the Orange Dress” na pinagtambalan nila ni Jessy Mendiola at dinirek ni Jay Abello at co-produced ng Star Cinema and Quantum Films. His last project before moving to the Big Apple ay ang short film na “Basurero” in 2019 na naging kalahok sa Busan International Film Festival in South Korea.

Wala pang ibinabahagi si Echo kung for good na ang pamamalagi nilang mag-asawa sa New York City.

Si Echo ay produkto ng “Mr. Pogi” talent search segment ng longest-running noontime show, ang “Eat Bulaga” in 1996 at pagkatapos nito ay naging talent na siya ng ABS-CBN. There was also a time na naging alaga rin siya ng Manila Genesis ni Angeli Pangilinan-Valenciano, misis ni Gary Valenciano.

Noong isang taon ay napabalita na may gagawing international movie si Echo pero wala pang balita kung ito’y matutuloy o ito na ang pinaghahandaan ngayon ng actor.

AldenPelikula nina Bea at Alden tuloy na

ANO na kaya ang nangyari sa first movie na pagtatambalan sana nina Bea Alonzo at Alden Richards, ang local adaption ng Korean movie na “A Moment To Remember” with “Special Memory” sa Philippine version? Ang nasabing pelikula was supposed to have started last August 2021 pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nasisimulan. Ang nasabing proyekto ay joint production ng GMA Pictures, Viva Films at APT Entertainment na siyang may hawak ng exclusive movie contract ni Alden.

May niluluto ring bagong TV series ang GMA na tatampukan din nina Bea at Alden.

While writing this column, nakatanggap kami ng text message mula sa presidente ng Viva Communications na si Vincent del Rosario na tuloy umano ang filming ng movie nina Bea at Alden na pamamahalaan ni Nuel Naval na siya ring director ng 2019 Metro Manila Film Festival box office hit movie ni Aga Muhlach, ang “Miracle in Cell No. 7” na isa ring local adaption ng hit Korean movie of same title.

Ayon kay Vincent, they are just fixing the respective schedules ng mga artists at malapit na umano nilang simulan ang much-awaited project ng dalawa.

Samantala, ngayong nasa Alert Level 1 na ang Metro Manila at bukas na lahat ng mga business establishments at maluwag na ang panuntunan ng IATF, tiyak na maipagpapatuloy na ng Viva ang kanilang kabi-kabilang movie and TV projects at kasama na rito ang mga pelikulang for theatrical release.

Ayon sa big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario, magkaiba umano ang mga proyektong ipapalabas sa kanilang sariling streaming app, ang Vivamax at sa mga pelikulang ipapalabas sa mga sinehan.

Pinaghahandaan na rin ng kumpanya ang pelikulang kanilang ilalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival.

Kung ang ibang film outfits ay huminto ng pagpu-produce ng pelikula during the pandemic, kakaiba naman ang nangyari sa Viva na hindi nahinto ang paggawa ng pelikula dahil sa kanilang maagap na pag-develop ng sarili nilang streaming app sa pamamagitan ng Vivamax na may halos 3 million subscribers na.

Tiyak na paghahandaan na rin ng Viva ang mga bagong projects for Sarah Geronimo and Anne Curtis at iba pa nilang stars. Most likely, paghahandaan din nila ang first live concert ni Sarah sa Big Dome. Malamang na ipagpatuloy na rin ang filming ng “Pedro Penduko” ni Matteo Guidicelli.

NadiaIna ni Nadia nabiktima ng mga holdaper sa loob ng membership club store

WALA na talagang safe na lugar ngayon. Kahit sa mga exclusive membership club store tulad ng S&R (Novaliches, QC) kung saan na-gang-up ng pitong tao ang ina ng aktres-entrepreneur na si Nadia Montenegro sa loob mismo ng membership store at nakuha ang kanyang wallet sa loob lamang ng tatlong minuto.

Ang US dollar ATM ay nakunan ng $1,700 habang ang kanyang BDO ATM ay nakunan naman ng P50,000. Ang insidente ay nangyari mismo sa loob ng S&R Novaliches in Quezon City branch habang naggu-grocery ang mommy ni Nadia kasama ang sister nitong si Katya.

Kung hindi pa siguro nagreklamo sa pamunuan ng S&R at sa pulisya si Nadia ay matutulad lamang ang kanyang ina sa iba pang biktima ng isang sindikato na ang mga shoppers naman ng membership club store ang target.

As of this writing, na-identify na umano ang lima sa mga suspect na nambiktima sa ina ni Nadia.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE