Zia

Zia, muling naghakot ng medalya sa swimming competition

August 19, 2023 Vinia Vivar 204 views

Humakot na naman ng medalya ang panganay na anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia sa katatapos lamang na swimming competition na sinalihan ngayong Sabado, Aug. 19.

Sa video na ipinost ni Marian ay makikita ang tatlong medalya ni Zia na first place sa 25-meter backstroke, 25-meter butterfly at 25-meter freestyle.

Bukod dito ay ginawaran pa ang bagets ng Most Outstanding Swimmer award.

“Speechless and proud of you, Zia! 🏊‍♀️ Being awarded the most outstanding swimmer at the Speedo Jumpstart Novice Swim Carnival is a testament to your hard work and dedication. Watching you grow from the beginning till now fills Mama’s heart with pride. Keep giving your best, guided by the grace of our Lord Jesus Christ,” ang proud na caption ni Marian.

Hindi nakadalo si Dingdong sa swimming competition ng anak dahil nasa Davao siya for the Kapuso Mall Show kaugnay ng serye niyang “Royal Blood” pero tiyak na ikatutuwa niya na sa pag-uwi niya ay ang mga medalya at award ni Zia ang sasalubong sa kanya.

Matatandaang noong July ay sumali rin si Zia sa swimming competition at nag-uwi ng anim na medalya.

AUTHOR PROFILE