Dingdong

Zia gustong sundan si Marian

August 27, 2021 Aster Amoyo 694 views

DAHIL sa pandemya, most of the time ay nasa bahay lamang ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ang kanilang dalawang anak na sina Zia (5) at Ziggy (2). Very hands on ang mag-asawa sa kanilang two kids Isa sa bonding moments at home ng mag-anak ay ang panonood ng movies suitable for the kids at kasama na rito ang local version ng Mexican telenovela, ang “Marimar” na pinagtambalan nina Marian at Dingdong at kung saan nagsimula ang love affair ng dalawa. Tuwang-tuwa umano si Zia laluna sa kakaibang pagsayaw ng kanyang mommy sa naturang serye at ang pagsasalita ng kaibigan nitong aso na si Fulgoso (voiced by Michael V.).

Dahil sa ipinapakitang interes ni Zia at an early age, hindi malayong sundan nito ang yapak ng kanyang mga magulang sa showbiz balang araw pero para sa mag-asawa studies ang magiging priority ng kanilang mga anak.

The couple will celebrate their 7th wedding anniversary on December 30 habang si Zia naman will turn 6 on November 23.

Samantala, isa si Dingdong sa umaasa na sana’y makatambal niya sa isang serye sa GMA ang bagong Kapuso na si Bea Alonzo na nakatrabaho na niya sa pelikulang “She’s The One” in 2013 under Star Cinema. Gusto namang makasama sa movie or TV series ni Marian ang freelancer na ngayon na si John Lloyd Cruz na noo’y tila imposibleng mangyari.

AldenKampo ni Alden nagpaliwanag sa pagkawala

MARAMI ang nagtataka kung bakit bihira nang mapanood sa noontime program na “Eat Bulaga” ang singer, actor, celebrity endorser and entrepreneur na si Alden Richards. Umalis na raw ba ang actor sa top-rating and longest-running noontime show?

Ang sagot ay hindi. Kabilang pa rin si Alden sa “Eat Bulaga”. Matagal-tagal na ring hindi napapanood si Alden sa nasabing programa dahil sa kanyang lock-in taping ng bagong TV series, ang “The World Between Us” na pinagtatambalan nila ni Jasmine Curtis-Smith. Mas lalong hindi muna mapapanood si Alden sa noontime program dahil malapit na rin nitong simulan ang movie nila ni Bea Alonzo, ang local adaptation ng Korean hit movie na “A Moment to Remember” na hango naman sa 2001 Japanese TV series na “Pure Soul”.

Ang filming ng pelikulang “A Moment To Remember” din ang dahilan kung bakit magkakaroon ng season break ang tumatakbong TV series na “The World Between Us” dahil lock-in shoot din ang mangyayari sa first movie team up nina Bea at Alden.

Hindi rin agad nasimulan ang filming ng pelikulang “A Moment To Remember” dahil sa lock-in taping ni Alden ng kanyang bagong TV series. Dahil dito, nagkaroon naman ng pagkakataon si Bea na magbakasyon sa Amerika ng isang buwan kasama ang nobyong si Dominic Roque.

Sa January 2, 2022 ay magti-thirty na si Alden pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong girlfriend. Maaga mang nabuwag ang loveteam nila ni Maine Mendoza na magta-tatlong taon nang in a relationship with Kapamilya actor na si Arjo Atayde, umaasa pa rin ang AlDub loyal fans na muling magtatambal ang dalawa sa pelikula balang araw. After all, ang movie contract nina Alden at Maine ay hawak ng APT Entertainment kaya co-producer ang nasabing kumpanya ng GMA Films at Viva Films sa movie nina Bea at Alden.

LorenRep. Loren proud sa ‘Dayaw’

AWARD-winning journalist, host, politician, environmentalist and cultural advocate Loren Legarda has been consistent in her mission in helping preserve the cultural heritage of the country na patuloy niyang ibinabahagi hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo sa pamamagitan ng kanyang award-winning documentary series na “Dayaw” na tumatakbo na sa 11th season on ANC, ang ABS-CBN News Channel.

Ang “Dayaw” ay joint production ng ANC, National Commission for Cultural Arts (NCC) at ng tanggapan ni Deputy Speaker Loren Legarda.

Taong 2014 na-conceptualize ang “Dayaw” which means praise in Visayan language which the former senator hosts. Ang documentary series ay patuloy na nagdu-document ng iba’t ibang pamumuhay, tradisyon at kultura ng iba’t ibang indigenous people groups.

Ang “Dayaw” ay itinuturing na passion project ng award-winning journalist and politician na siyang nag-conceptualize ng proyekto.

Last Thursday, August 26, 6 p.m. ay ipinakita sa bagong season ng “Dayaw” ang iba’t ibang martial arts ng bansa tulad ng arnis, silat at eskrima at mapapanood naman sa darating na September 3 ang “Sayawang Pinoy”.

Ang “Dayaw” ay very informative and educational at hindi dapat pinalalampas laluna ng mga kabataan ngayon na hindi alam at hindi gaanong naa-appreciate ang mayamang cultural heritage ng ating bansa.

Samantala, nag-deklara na ang kinatawan ng Antique at Deputy Speaker ng kongreso at awad-winning journalist-host na si Loren na siya’y muling tatakbo sa pagka-senador sa darating na halalan. Siya lamang ang kaisa-isang female senator na dalawang beses na nanguna sa senatorial elections in 1998 at 2007.

Liz1Liz balik-first love

EXCITED ang comebacking actress na si Liz Alindogan, isa sa apat na original `Angels’ ng yumaong comedy king na si Dolphy along with Carmi Martin, Anna Marie Gutierrez at Yehleen Catral dahil mapapanood na simula sa susunod na buwan (September) sa TV5 ang TV series na “Di Na Muli,” isang romance-drama na tinatampukan nina Julia Montes, Marco Gumabao at Marco Gallo.

Ang tatlo ay pare-parehong nasa bakuran na ngayon ng Viva.

Hindi ikinakaila ng 80’s star na sobra umano niyang na-miss ang showbiz na kailangan niyang talikuran pansamantala dahil binigyan niya ng prioridad ang kanyang pamilya, ang kanyang businessman husband na si Benny Kho at apat na anak na ang tatlo ay tapos sa kanilang pag-aaral at iisa na lamang ang natitira sa college at nag-aaral sa University of the Philippines. Ang actress ay may dalawa ring grown up and professional sons sa dati nitong partner, ang actor na si Jess Lapid, Jr. na sina Paolo at Iris.

“Alam ng husband ko na gusto ko pa ring umarte,” pag-amin ni Liz.

“Ngayong malalaki na ang mga anak namin, hindi niya ako pinipigilang ipagpatuloy ang aking first love, ang pag-arte,” aniya.

“Eversince naman ay hindi ako pinigilan ng husband ko na mag-showbiz. It was my choice dahil mas hinarap ko ang role ko as housewife and mother plus naging busy rin ako sa ilang negosyo,” dagdag pa niya.

Bukod sa comedy king na si Dolphy na siyang naka-discover sa kanya nung 1980, halos lahat ng mga major action stars noon ay naging leading lady siya including the late movie king na si Fernando Poe, Jr. na dalawang beses niyang nakatambal sa pelikulang “Panday” in 1980 at ang ang “Pagbabalik ng Banday” in 1981.

Bukod sa comeback TV project ni Liz ang “Di Na Muli,” ito rin ang magsisibling first TV series ni Julia Barretto outside ABS-CBN and also her first project with Viva, her new home studio.

AUTHOR PROFILE