Zia

Zia, excited sa online class

August 18, 2021 People's Tonight 100 views

IBINALANDRA ni Dingdong Dantes ang cute photo ng anak na si Zia na excited na sa pag-attend ng kanyang online class.

First week sa school ni Zia, ayon sa Instagram post ni Dong, at nakuhan siya ng pic ng father na naglalakad sa loob ng bahay habang naka-headset.

“Another office invasion from this cutie today. And since it’s her first week in school, she walks around with headset – obviously excited for her next class,” caption ni Dong.

Dagdag niya, “Okay, Z, excuse me po, have to get back to work.”

Pinost din ni Marian Rivera ang kaparehong litrato sa kanyang social media account at humamig ito ng libu-libong likes at pinusuan pa ng netizens.

THANKSGIVING MASS SA BIRTHDAY NI MOTHER LILY

HAPPY, happy birthday today, August 19, kay Mother Lily Monteverde!

Isang thanksgiving Mass ang handog sa kanya ng mga anak ngayong umaga and no less than Bishop Socrates Villegas ang mag-o-officiate.

Nami-miss ni Mother ang mga araw na maraming bisita sa kanyang birthday.

Bantay-sarado rin siya sa mga anak at apo kaya hindi puwedeng makalabas ng village.

We wish you all the best sa iyong birthday, Mother Lily! Love you! (Happy birthday, Mother! Stay healthy, love you! Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE