Zia

Zia, bongga ang 7th b-day sa bagong Casa Dantes

November 24, 2022 Ian F. Fariñas 115 views

Zia1

SA bagong bahay na ng pamilya Dantes nag-celebrate ng kanyang 7th birthday ang panganay na anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia.

Sa mga litratong ipinost ng mag-asawa sa kanya-kanyang Instagram account, makikitang nasorpresa si Zia sa paghahandang ginawa ng Kapuso Primetime King and Queen.

Bukod sa bonggang pa-balloon arrangement, sangkatutak din (pito to be exact) ang birthday cake ng celebrator courtesy ng isang bakeshop na iniendorso ng mag-asawa.

Bumati rin via video call ang lolo ni Zia na based sa Spain.

Humanga naman ang netizens at mga celebrity friend ng kanyang mommy at daddy sa birthday picture ni Zia kung saan kitang-kita na dalagita na nga ang panganay nina Dingdong at Marian.

“Always grateful,” ang caption ni Dingdong sa IG greeting habang si Marian naman ay, “Happy birthday Ate Z! Love you sooo sooo much,” ang naging pagbati kay Zia.

AUTHOR PROFILE