Zeinab

ZEINAB, MILYON ANG NA-PRANK SA PA-HOUSE TOUR SA LEBANON

September 21, 2023 Vinia Vivar 357 views

Hit na hit ngayon sa YouTube ang prank na pa-house tour ni Zeinab Harake sa Lebanon.

Sa umpisa kasi ng vlog ay sinabi ng half-Filipina, half-Lebanese content creator na family house nila ang kanyang ipapakita at ayaw nga raw pumayag ng Lebanese father niya na i-content niya ito dahil sa isyu ng privacy.

Hindi ka naman maghihinala na prank ito dahil Lebanese talaga ang ama ni Zeinab at habang nagtu-tour siya ay ine-explain pa niya ang mga detalye ng house.

Sey niya sa isang parte ng bahay, doon tumatambay ang kanyang mga pinsan at relative.

In fairness, super-laki at literal na mansyon ang bahay. Pati kami, inisip talaga naming sa kanila ito only to be told sa huli na prank lang ito.

“It’s a prank! Kasi lagi n’yo nire-request sa akin ang prank content. Isipin n’yo na lang kung saan kami nag-stay dito sa Lebanon,” aniya.

Sey pa niya, sana ay huwag magalit ang viewers sa kanya sa kanyang ginawa.

Aminado naman siyang dream house niya ang kanilang tinirhan and she hopes na someday ay makapagpundar din siya ng ganito.

“Malay naman natin one day, someday, ‘di ba, magkaroon tayo ng ganito kalaking bahay. Pero siyempre ako, pipiliin ko pa rin ang ating home country which is the Philippines, kasi du’n ako lumaki, eh,” aniya.

Happy raw siya na nakapunta siya ng Lebanon bago pa man siya tumanda.

“I really do love Lebanon, guys. Ngayon ko nasabi na sobrang ganda ng Lebanon. Masaya ako nakapunta rito bago pa ako tumanda nang tuluyan,” she said.

Kasama niyang nagpunta sa Lebanon ang kanyang pamilya, kabilang na ang ama at mga kapatid niya kaya naman sobrang thankful ni Zeinab sa kanyang blessings sa Pilipinas.

“Sobrang happy ako kasi blessed ako at nakapunta na talaga kami rito magkakapatid, daddy ko, family ng daddy ko,” aniya.

In fairness, napakaraming na-prank ni Zeinab dahil as we write ay nasa 1.3M na ang views ng kanyang Lebanon house tour in less than 24 hours.

AUTHOR PROFILE