Rhea

Zeinab Harake, bagong baby ng Beautederm

August 5, 2022 Ian F. Fariñas 76 views

SINIMULAN ng Beautéderm Corporation ang month-long 13th anniversary celebration sa opisyal na launch ng social media star na si Zeinab Harake bilang oral care brand ambassador sa pamamagitan ng Koreisu Family Toothpaste at Etré Clair.

Bilang isang certified star na may mahigit 50 million followers across Facebook, Instagram, TikTok, Twitter at YouTube, isa si Zeinab sa pinaka-influential na personalidad sa social media ngayon sa pamamagitan ng kanyang lifestyle vlogs at challenge na paborito ng mga netizen.

Bilang isang batang celebrity, mahalaga para kay Zeinab ang dental at oral health kaya naman swak na swak siya bilang brand ambassador ng Koreisu at Etré Clair.

“Para sa akin, kailangan nating alagaan at i-prioritize ang oral hygiene. Palagi kong pinapaalala sa viewers ng aking vlogs na kailangan nating magsipilyo tatlong beses isang araw,” aniya.

Dahil developed, tested at manufactured sa Japan, ang Ko-Rei-Su ay kumbinasyon ng mga Nihongo na salitang kokotaru (bright), ureshii (happy) at tisu (teeth).

Layunin ng Beautéderm na gawing top tier oral hygiene essential ang Koreisu Family Toothpaste dahil ito ay fluoride-free at triclosan-free.

Gawa sa sodium bicarbonate (baking soda), ito ay ligtas na alternatibo sa commercial toothpaste brands nang ’di isinasakripisyo ang anti-plaque benefits habang nilalabanan ang tooth-decay na nagdudulot ng bacteria.

Whitening toothpaste rin ito na may activated charcoal na nagtatanggal ng mantsa sa ngipin.

Ang Etré Clair naman ay mga produkto ng antibacterial mouthwash at mouth spray na bahagi ng all-natural oral care products ng kumpanya.

Gawa sa 100% na organic na mga sangkap, ang Etré Clair ay isang minty breath freshener na may mabisang antibacterial at antiseptic properties na pumapatay ng bacteria at nilalabanan ang bad breath.

Sobrang saya ni Zeinab ngayong opisyal na siyang bahagi ng pamilya ng Beautéderm.

“Malaking karangalan para sa akin na maging bahagi ng pamilya ng Beautéderm. Ramdam ko ang pagmamahal nila nu’ng sinalubong ako,” sabi niya.

“Grateful ako sa tiwala nila sa akin na i-represent ang Koreisu dahil ibang-iba ito sa lahat ng mga toothpaste na nagamit ko. Perfect din ang Etré Clair dahil talaga namang fresh na fresh ang breath ko rito at pinuprotektahan pa nito ang aking bibig in an instant. I could really feel that my teeth and gums are fully protected with Koreisu and Etré Clair…nasa next level talaga sila.”

Ang Beautéderm president at CEO namang si Rhea Anicoche-Tan, excited ding makasama si Zeinab sa lumalaking pamilya.

Aniya, “Very welcome addition si Zeinab sa aming pamilya at siguradong very instrumental siya para maabot namin ang mas bata at mas malawak na mercado dahil sa kanyang kamangha-manghang platforms.

“Zeinab is so genuine and sweet. What you see is what you get. Nakikita ko siya bilang isang masayang baby at ang sarap niyang makatrabaho. I am honored to have her as my newest brand ambassador,” dagdag ni Rhea.

Hindi na nga makapaghintay si Zeinab sa mga adventure kasama ang Beautéderm family, “Maligayang 13th anniversary kay Mommy Rhea at sa aking Beautéderm family. Excited na po akong mag-celebrate ng marami pang anniversaries sa piling ninyo. I am 100% sure that there will be more and more support for Beautéderm and I am honored to be a part of that.”

AUTHOR PROFILE