366

Zanjoe, proud kay Bela

April 2, 2022 Ian F. Fariñas 251 views

KASWAL na lang balikan nina Bela Padilla at Zanjoe Marudo ang panahong na-link sila sa isa’t sa habang ginagawa ang ABS-CBN primetime series na My Dear Heart noong 2017.

Sa virtual mediacon ng reunion project nilang 366, kung saan magkasama ang dalawa mula sa istoryang isinulat at dinirek mismo ni Bela, palagay silang sinagot ang mga tanong ng press.

Si Zanjoe nga, proud pang mapili ni Bela na makasama sa cast bukod kay JC Santos.

Katunayan, kung siya raw ang tatanungin, mas type sana niyang gampanan ang papel ni JC sa movie na si Pao, ang ex-BF ni June (Bela).

Pero hindi raw pumayag ang actress-director na nagsabing may bagay kay Zanjoe ang karakter ng kapitbahay ni June na si Marco.

Para kay Zanjoe, anumang role ang i-assign ni Bela sa kanya sa film directorial debut nito ay tatanggapin niya dahil ayaw niya palagpasin ang pagkakataon na muli itong makatrabaho.

Sa Turkey nag-shoot ang tatlo at ayon kay Bela, inspired ang kwento ng istorya ng isang Pinoy couple na na-challenge ng fate ang relasyon nang minsan siyang bumiyahe sa Maldives.

Aniya pa, “It’s the story of people who were and weren’t given the chance to have an extra day to stop, to live, to cry, to laugh, to forget and to love. We follow their journeys, their joy and their grief.

“I had no idea how the world was going to change. Now, having gone through a global pandemic and shooting amidst it, everyday has become so important. Time spent with people has become essential. 366 feels like a wake-up call to me now, to really live well and to make everyday a little more than what it normally should have been.”

Ang 366 ay mapapanood via streaming sa April 13 sa Vivamax Plus at April 15 sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, Canada, USA, Middle East at Europe.

AUTHOR PROFILE