Riazanjoe

Zanjoe, pinu-push ng netizens na mag-propose na kay Ria

August 7, 2023 Vinia Vivar 335 views

Nagpakilig si Zanjoe Marudo sa kanyang fans and Instagram followers nang magbahagi siya ng sweet photos nila ng girlfriend na si Ria Atayde during their trip to United Kingdom.

Limang larawan ang ipinost ni Z at maikling caption niya, “5/100 photos.”

Makikita sa mga litrato na ang saya-saya ng lovebirds at halatang in-love na in-love sa isa’t isa.

Sa isang picture ay hinahalikan pa ni Z ang GF sa pisngi habang nasa telephone booth sila.

Umani ng katakut-takot na “likes” and comments ang post. Ilan sa celebrities na nagkomento ay sina Maja Salvador, Darren Espanto, Ketchup Eusebio, Alora Sasam at Kyline Alcantara.

Komento ni Maja, “Ang cute niyyyoo Riiii @ria”

Reaksyon naman ni Ketchup, “aayysuuuus”

Ang ibang netizens naman ay pinu-push na si Z na mag-propose kay Ria.

“Bat na fifeel ko na malapit naden mag propose si zanjoe,” sey ng isang netizen.

“Siya lang ang naging girlfriend ni Z na kinikilig ako… hayy @onlyzanjoemarudo put a ring on it na,” komento naman ng isang fan.

AUTHOR PROFILE