Zanjoe

Zanjoe, ‘normal’ ang lagay ng puso

April 23, 2022 Vinia Vivar 116 views

Mukhang sa trabaho talaga mas focused ngayon ni Zanjoe Marudo kesa sa lovelife.

Medyo matagal-tagal na ring walang napapabalitang girlfriend ang aktor at nakikita rin naman natin na sunud-sunod ang proyekto niya ngayong pandemic.

Ngayon ay bida naman siya sa upcoming Vivamax film na Ikaw Lang Ang Mahal with Kylie Versoza and Cara Gonzales.

Sa mediacon nga na ginanap last Friday para sa nasabing pelikula, natanong ang aktor kung ano ang estado ng kanyang puso at biro niya, “Normal naman siya, kakapa-check ko lang.”

Seriously, marami naman daw nagpapasaya sa puso niya ngayon.

“Napakarami akong dapat ipagpasalamat, eh. Parang napakasaya na punumpuno ‘yung ligaya ng puso ko ngayon dahil du’n sa balanseng nahanap ko sa buhay kong ‘to.

“Napakarami pong nagpapasaya sa akin. ‘Yun nga, ‘yung balanse na nakuha ko sa trabaho, sa personal life. Like ngayon, ’andito ako, naka-amerikana, nakikipag-usap. Mamaya, pag-uwi ko, nasa bukid na naman ako. ’Di ba? Ang sarap lang nu’ng balance na nakuha ko itong panahon ng pandemic,” sey ni Z.

Sa ngayon ay kuntento naman daw siya sa kanyang buhay at nagpapasalamat sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya.

Samantala, first time ni Zanjoe na makatrabaho si Kylie at si Cara. Nag-enjoy naman daw siya sa shooting na kinunan pa sa Sagada.

“Kay Kylie, nagulat ako na grabe ‘yung preparations pala na ginawa niya para dito sa project na ‘to. Dahil script reading pa lang namin sa Zoom, ramdam na ramdam mo na ‘yung mga dialogues na binibitawan niya,” ani Z.

Kay Cara naman ay parang nakita raw niya ang kanyang sarili noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

“And ‘yung tapang niya kung paano harapin ang paggawa ng isang character at kung paano makipag-collaborate sa mga co-actors,” he said.

First time rin niyang naka-work si Direk Richard Somes at na-discover niya na magaling din pala itong gumawa ng romantic story since kilala nga ang direktor sa horror films.

Mapapanood na ang Ikaw Lang Ang Mahal sa May 20 sa Vivamax.

DREAM COME TRUE

Sobrang grateful ng Kapuso young actress na si Sofia Pablo siya ang napili ng GMA-7 at Regal Entertainment na gumanap na sirena sa seryeng Raya Sirena.

Let’s face it, isa rin talaga sa pangarap ng mga artistang babae na makaganap ng sirena at isa na nga rin dito si Sofia kaya naman napakaswerte niya sa kanya ibinigay ang role.

Matatandaang unang napanood ang Raya Sirena last year sa Regal Studio Presents.

At dahil nga nag-hit ito sa manoood, ngayon ay ginawa na itong mini-series na may seven episodes.

Ayon kay Sofia, sobrang hindi pa rin siya makapaniwala na talagang sa kanya ipinagkatiwala ang role at naging mini-series pa.

Sey nga niya, kahit mahirap din ang mermaid role ay hindi niya ito alintana dahil nga dream niya ‘to.

“Lagi ko pong iniisip na ang dami-daming nangangarap na maging sirena pero isa po ako sa bliness ni God na mabigyan ng project na sirena. Kaya sabi ko nga sa sarili, ‘laban ka lang,

pinangarap mo ‘to at ngayong nandito na, huwag kang susuko, kayanin mo.’ So, nawawala na po agad ‘yung nararamdaman kong hirap,” sey ni Sofia sa virtual mediacon.

Sa Raya Sirena ay muli ring nagbabalik ang AlFia loveteam nila ni Allen Ansay. Kasama rin sa weekly afternoon mini-series si Saviour Ramos bilang ka-love triangle at gaganap na isang merman.

Mapapanood ang Raya Sirena every Sunday afternoon starting today, April 24.

AUTHOR PROFILE