Zaijan ang nakaaalam ng sikreto ni Darna

August 3, 2022 Aster Amoyo 428 views

MAITUTURING na advance birthday gift sa dating child actor na si Zaijian Jaranilla ang kanyang pinakabagong serye sa ABS-CBN, ang “Mars Ravelo’s Darna:

The TV Series” na pinagbibidahan ni Jane de Leon mula sa direksiyon ng premyadong director na si Chito Rono and will premiere sa ere at sa digital platforms sa darating na Augsut 15.

It was in in 2008 when he joined ABS-CBN’s Star Magic. Sandali siyang naging bahagi ng kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” at ang kanyang kauna-unahang teleserye ay ang “I Love Betty La Fea” na tinampukan nina Bea Alonzo, John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez.

It was in 2009 nang umalagwa ang career ni Zaijian bilang child actor when he was cast as the lead actor sa hit religious-inspired TV series na “May Bukas Pa” where he played his popular role as Santino Guillermo. Magmula noon ay naging sunud-sunod na ang ginawang teleserye ng child actor sa bakuran ng Kapamilya network tulad ng “Agua Bendita,” “Noah,” “Lorenzo’s Time,” “Juan de la Cruz,” “Ikaw Lamang,” “Hawak Kamay,” “FPJ’s Ang Probinsyano,” ‘The Story of Us,” “Almost Paradise,” ang digital series na “Story of my Life” na sinundan ng “Ang Iyo ay Akin” and his most recent work ay ang hit primetime TV series na “The Broken Marriage Vow” (Philippine adaption ng hit BBC series na Dr. Foster) where he played the role of Gio Ilustre, ang nag-iisang anak na naging sentro ng pagmamahal, away at attention ng (dating) mag-asawang Dr. Jill Ilustre at David Ilustre, respectively played by Jodi Sta. Maria and Zanjoe Marudo. Ang nasabing role ni Zaijian could be considered his most challenging role as an adult.

Sa darating na August 15, isang kakaibang character naman ang gagampanan ng young actor. Siya ang gaganap as the younger brother as Ding ni Narda/Darna na ginagampanan ni Jane de Leon. Siya bale ang magiging constant companion (sidekick)at nakakaalam sa sikreto ng kanyang Ate Narda (Jane) bilang Darna.

As to his having a girlfriend, inamin ng young actor last January 2022 na hiwalay na umano sila ng kanyang non-showbiz girlfriend (of almost two years) na si Dian Anez at wala pa itong sini-share na bagong karelasyon.

Zaijian turns 21 on August 23.

Image

Direk JP ayaw ni Boss Vic na makipagsabayan sa erotic waves

AKTIBONG muli ang young writer-filmmaker na si Jason Paul Laxamana sa paggawa ng pelikula ngayong nagbukas na muli ang mga sinehan.

Last Tuesday, August 2, humarap ang writer-director sa story conference ng isang bagong proyekto na isang sexy-romance-comedy na “Baby Boy, Baby Girl” na pinagbibidahan nina Marco Gumabao at dating beauty queen-turned actress na si Kylie Verzosa. Ang tema ng pelikula ay kakaiba dahil ito’y may kinalaman sa sugar dating (private escort services) na nangyayari hindi lamang sa ibang bansa kundi maging sa Pilipinas.

The movie na mula pa rin sa panulat ni Direk JP ay magsisimulang mag-shooting sa isang linggo.

Ayon kay Direk JP, handa rin umano siyang makipagsabayan sa ibang director ng Viva para sa mga sex-oriented films na ipinapalabas sa streaming app ng Viva, ang Vivamax pero si Boss Vic del Rosario (Viva top gun) na mismo ang nag-desisyon na magpatuloy umano siya sa paggawa ng mga material where he’s good at.

First time na makakatrabaho ni Direk JP ang 2016 Miss International na si Kylie.

Para magkaroon siya ng idea how she acts, pinanood ni Direk JP ang ilan sa mga pelikula nito sa Vivamax at kasama na rito ang movie na pinagtambalan nila ni Zanjoe Marudo, ang “Ikaw Lang Ang Mahal” na dinirek ni Richard Somes at na-impress umano sa ipinakita nitong galing sa pag-arte.

Si Marco naman ay una niyang nai-direk sa pelikulang “Just A Stranger” na pinagtambalan nila ni Anne Curtis in 2019.

Direk JP is known for the hit movies tulad ng “Isang Daang Tula Para Kay Estela,’ “Just A Stranger,” “Between Maybes,” “To Love Some Buddy,” “The Day After Valentine’s,” “Fallback,” “So Connected” at iba pa.

Marco

Marco at Kylie bagay raw, tinutukso

PAREHONG happily single ngayon sina Marco Gumabao at Kylie Versoza kaya hindi nakataligtas ang dalawa sa story conference ng kanilang pelikulang “Baby Boy, Baby Girl” mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana na tuksuhin ang dalawa dahil bukod sa magkaibigan ang dalawa, bagay umano sila.

It was only last April nang mag-break sina Kylie at dating boyfriend nitong actor na si Jake Cuenca. Since then ay unti-unting nakapag-move on ang beauty queen-actress at malaki ang naitulong sa kanya ang kanyang pagiging busy bilang actress.

Ayon na rin mismo kay Marco, matagal na umano silang magkaibigan ni Kylie na nagsimula nung bago pa lamang ito sa beauty pageantry. Una naman silang nagkatrabaho sa TV series na “Los Bastardos” kung saan naman na-develop ang pag-iibigan nina Jake at Kylie.

“We’ve worked together in about six projects” at kasama na rito ang ‘My Husband, My Lover’ na dinirek ni Mac Alejandre,” he shares.

Inamin ni Marco na maganda, matalino, sexy at loveable si Kylie at hindi umano imposible na ma-inlab sa kanya pero sa ngayon ay pareho umano silang naka-focus sa kanilang respective career at gusto muna nila i-enjoy ang kanilang pagiging magkaibigan and as co-workers na sinang-ayunan naman ng beauty queen-actress.

“But of course, we don’t know kung ano ang puwedeng mangyari in the future,” pahabol ng prized actor ng Viva.

Angelika2Angelika

Angelica hinihintay na ang panganganak

IN a couple of months ay isa nang ganap na ina ang Kapamilya star na si Angelica Panganiban when her “mini-me” comes out.

Angelica and her Australian businessman partner na si Gregg Homan are expecting a baby girl.

Just recently, her management company, Star Magic, hosted a sea-themed baby shower for her na dinaluhan ng malalapit niyang mga kaibigan at pamilya. Dumalo sa nasabing okasyon sina Angel Locsin, Anne Curtis, Agot Isidro, Maxene Magalona, ang writer-director na si Antoinette Jadaone, ang celebrity couple na sina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza at iba pa.

Sina Angelica at Gregg ay nagkakilala in 2020 habang ginagawa noon ng aktres ang kanyang hit primetime TV series na “Walang Hanggang Paalam” in Subic kung saan naka-base si Gregg.

Nung New Year 2021, Angelica confirmed that she was in a new relationship.

Malaki ang naging papel ng co-star at kaibigan ni Angelica na si Cherry Pie Picache sa pagkakalapit ng dalawa.

It was last March nang ibahagi ng couple na magkakaroon na sila ng baby at nitong June 2022 naman nila ipinalaam na girl ang gender nito.

Ang nalalapit na pagsilang ng kanyang baby girl ay magsisilbing advance birthday gift for Angelica who is turning 36 on November 6. Ito rin bale ang magiging katuparan ng kanyang pangarap na maging isang ina.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE