VoltesV

Ysabel, ‘di umasang mapipili sa ‘Voltes V: Legacy’

April 20, 2023 Vinia Vivar 340 views

Hindi inasahan ni Ysabel Ortega na mapipili siyang isa sa mga bida ng Voltes V: Legacy nang mag-audition siya para sa nasabing proyekto.

Pag-amin niya sa ginanap na mediacon at screening, wala sa plano niya ang mag-audition at bigla na lang itong nangyari.

“Actually po, wala po sa plano ko na mag-audition. I saw the project during the New Year countdown. I saw the trailer, the very first trailer po and of course, it caught my attention po. Pero never kong naisip na possible na maging parte po ako ng project na ‘to.

“Until one day, it just so happened, destiny na nasa GMA ako, one of the last days of auditions for GMA, and sinubukan ko lang po,” kwento ni Ysabel.

At sa pagkagulat niya ay siya nga ang napili para gumanap na Jamie Robinson kaya laking pasasalamat niya na nag-audition siya.

“And I never expected po na sobrang magbabago po ‘yung buhay ko because of the show. And sobrang hindi ko po nire-regret the day na nag-audition ako for the show,” aniya.

Ngayon nga ay mapapanood na finally sa primetime slot ng GMA-7 ang Voltes V: Legacy starting May 8 kaya masayang-masaya ang buong cast and production team sa pamumuno ng direktor na si Mark Reyes.

Bukod kay Ysabel, ang kasama niya pang apat na bida ay sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Matt Lozano bilang Robert o Big Bert, Radson Flores as Mark Gordon at ang child actor na si Rafael Landicho bilang si Little Jon Armstrong.

Kasalukuyan namang palabas na sa mga SM Cinemas ang Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience na naglalaman ng mga materyal mula sa first three weeks episode. Tatakbo ito hanggang sa April 25.

Kasama rin sa star-studded cast sina Gabby Eigenmann, Dennis Trillo, Martin del Rosario, Liezl Lopez, Epi Quizon, Carlo Gonzales, Neil Ryan Sese, Carla Abellana, Nico Antonio, Max Collins, Albert Martinez, Chanda Romero at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE