Your new wallpaper
PAGBUKAS pa lang ng cellphone, bet na agad ng Vivamax actress na si Shiena Yu na siya ang tatambad bilang wallpaper ng mga kelot.
Grabe ang karisma ng sexy star, rumaragasa ito sa dagat ng pantasya ng mga barako ng social media. Sa isang Instagram post, ‘di nagpaawat ang bebot sa nagsusumigaw niyang hotness at inihain.
“For your new wallpaper,” sey niya sa caption ng post.
Makikita sa mga larawan ang swabeng patakam ni Shiena. Suot ang kanyang two-piece string bikini, nasilayan ang yummy-licious na kurba ng kanyang wangkata.
Bukas nga ang pinto kung saan masisipat ang juicy cleavage ni Shiena. Napadungaw ang mga kalahi ni Adan sa killer body ng bebot.
Napa-“ugh” din ang mga netizen sa ganda ng mukha ng Vivamax actress. Titig pa lang nito, tila may dala nang gayuma para makasungkit ng atensyon ng mga kalalakihan.
Grabe ang tilamsik ng mga papuri at heart emojis sa kanyang mga larawan. “Wallpaper ko ‘yan!” ang sigaw ng karamihan.
Naipamalas na ni Shiena sa ilang mga proyekto ng Vivamax ang husay niya sa pag-arte. Naitampok na siya sa mga palabas kabilang na ang Sitio Diablo (2022), Sugar Baby (2023), Wanted: Girlfriend (2024), at Room Service (2024).