Bongalon Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon

Young Guns kinondena ‘di tamang asal’ ng VP

September 10, 2024 People's Tonight 95 views
Khonghun
Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun
Ortega
La Union 1st District Rep. Francisco Paolo Ortega V

MARIING kinondena ng mga lider ng Young Guns ng Kamara de Representantes ang tahasang hindi pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng panukalang P2.037 bilyong pondo na hinihingi ng Office of the Vice President (OVP) para sa susunod na taon.

Ayon kina House Assistant Majority Leaders Jil Bongalon (Ako Bicol Party-list), Jay Khonghun (Zambales, 1st District) at Francisco Paolo Ortega V (La Union, 1st District), isang pambabastos sa legislative process at sa sambayanang Pilipino ang hindi pagsipot ni Duterte sa budget hearing.

Tuwirang tinawag ni Bongalon na kaduwagan at kawalan ng pananagutan ang hindi pagdalo ni Duterte.

“It is disheartening to see the Vice President avoid the scrutiny that comes with public office. Her actions show a lack of respect not only for Congress but for every Filipino,” saad niya.

“If she cannot face the very institution responsible for overseeing government funds, how can she claim to serve the people effectively?” dagdag ni Bongalon “Hindi ito ugali ng isang tunay na pinuno, para siyang batang nagtatago kapag napapagalitan.”

Tinuligsa naman ni Khonghun ang inasal ng bise presidente na hindi lang isang kawalan ng paggalang kundi isa ring maling asal ng isang indibidwal na nasa mataas na posisyon.

“Her absence is not just an insult to Congress but to the Filipino people who deserve answers about how their money is being spent. This act of snubbing the budget deliberation reeks of a bratty attitude unbecoming of someone holding the second highest office in the land,” ani Khonghun.

“Dapat siyang humarap at magpaliwanag, hindi umiiwas na parang bata. Hindi ito ang ugali ng isang opisyal na seryoso sa kanyang mandato,” saad pa niya.

Para naman kay Ortega, binalewala ng bise presidente ang prinsipyo ng pamumuno at serbisyo publiko dahil sa hindi niya pakikibahagi sa mahalagang proseso ng pagbuo ng pambansang badyet.

“Nakababahala at hindi katanggap-tanggap na sa kabila ng mga seryosong isyung kinakaharap ng kanyang tanggapan, hindi nagpakita si VP Sara sa hearing ng OVP budget,” wika ni Ortega.

Pagpapatuloy pa niya, “Ito ay malinaw na kawalan ng respeto sa proseso ng budget deliberations. Hindi ito ugali ng isang lider na may malasakit sa bayan. Kung walang itinatago, bakit siya umiiwas?”

Hindi pinalagpas ng Young Guns ang pagbabalewala ng bise presidente sa transparency at accountability, bagay na hindi anila katanggap-tanggap sa isang pinagkatiwalaan na umupo sa public office.

Nanawagan din ang mga mambabatas na huwag na itong magtago sa kanyang posisyon at harapin ang Kongreso para ipaliwanag kung paano gagamitin ng OVP ang panukalang pondo nito, bagay na obligasyon niya sa bawat Pilipino.

“Public service is not a privilege, it’s a responsibility. If she refuses to fulfill her duty to be transparent and accountable, then she does not deserve the trust of the people,” punto nila.

AUTHOR PROFILE