YOUNG GUNS INSPIRED KAY SFMR
Pagtaas ng performance rating ni Speaker Romualdez inspirasyon ng Young Guns para lalong pagsilbihan mga Pilipino
NAGSILBI umanong inspirasyon para sa mga miyembro ng Young Guns ang 16 puntos na pagtaas sa performance rating ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez upang mas lalong magpursige sa pagtataguyod sa kapakanan ng mga Pilipino.
“Congratulations po sa ating mahal na Speaker Romualdez for this meteoric rise in approval ratings. This underscores the effectiveness of his leadership and his unwavering commitment to serving the Filipino people. At dahil po dito, idol po namin kayo ng Young Guns ng Kongreso,” saad ng mga kongresista sa isang pahayag.
Ang Young Guns ay binubuo nina Taguig Rep. Pammy Zamora, Ako Bicol Rep. Jil Bongalon, Zambales Rep. Jay Khonghun, Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, La Union Rep. Paolo Ortega, 1Rider Rep. Rodge Gutierrez, Isabela Rep. Inno Dy, Davao Oriental Rep. Cheeno Almario, PBA Rep. Migs Nograles, Manila Rep. Ernix Dionisio, Cagayan de Oro City Rep. Lordan Suan, Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing at Anakalusugan Rep. Ray Reyes.
“The Speaker’s approach to governance, characterized by dedication and a deep sense of responsibility, has not only advanced the legislative agenda of the House but has also inspired a new generation of lawmakers,” sabi pa ng mga ito.
“As Young Guns in the House of Representatives, we are profoundly influenced by his style of leadership and are motivated to emulate his diligence and passion for public service,” dagdag pa nila.
Ang Young Guns ay binubuo ng mga batang mambabatas na bukod sa pagsusulong ng mga panukalang batas ay nagpapahayag din ng kanilang mga pananaw sa iba’t ibang isyu ng bansa.
“The House has seen major legislative successes that have contributed to national development and enhanced the welfare of our citizens under Speaker Romualdez. His focus on inclusive and people-centered policies has made a tangible difference in the lives of countless Filipinos,” wika pa nila.
“His leadership has been instrumental in promoting initiatives that ensure economic growth, social equity and sustainable development,” dagdag pa ng mga ito.
Nangako ang mga batang mambabatas na susuportahan ang hangarin ni Speaker Romualdez at patuloy na magsusumikap sa pagtatrabaho upang makatulong sa pagpapaunlad ng bansa at pagpapanatili sa integridad at accountability, mga katangiang taglay ng lider ng Kamara.
“We, the Young Guns, reaffirm our commitment to the values Speaker Romualdez promotes. We strive to serve our constituents with the same zeal and dedication, ensuring that the trust placed in us by the people is honored and upheld,” sabi pa nito.
Isinagawa ang Social Weather Stations (SWS) survey mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 1, 2024, at kinuha ang opinyon ng 1,500 na adult respondents sa buong bansa. Mayroon itong ±2.5 percent margin of error.
Ayon sa survey ng SWS, 53 porsiyento ang nasiyahan sa performance ni Speaker Romualdez, habang 24 porsiyento ang hindi nasiyahan o net rating na 29 porsiyento, tumaas ng 16 percentage points kumpara sa 13 porsiyento na naitala nito sa survey noong Marso 2024.