Guess

Young actress baon sa utang sa kaibigang produ

February 7, 2025 Jun Nardo 207 views

UTANG pa more ang drama ng isang young actress na minsan aktibo at minsan hindi sa kaibigang film producer.

Hindi pa nga nakakabayad sa nakaraang mga utang, umutang uli siya sa producer-friend niya, huh!

Nagtataka tuloy ang ilang malalapit sa producer kung bakit lagi niya itong pinapautang, eh, marami pang nakalistang pera na nakuha.

May sakit ba o may bisyo ang aktres? Nabalita noon na may sakit ito. Pero wala namang nabalitang bisyo.

Siya rin ang aktres na kapag tumatanggap ng trabaho sa TV o movie, kailangan, kaliwaan ang bayad bago siya bumaba ng sasakyan para mag-taping o shooting, huh!

NAUDLOT

HINDI masyadong nagtagal ang isinagawang rally ng pro-SV or Sam Versoza sa Kartilya ng Katipunan sa Liwasang Bonifacio kahapon.

Nakapagsalita naman si Sam sa mga issue tungkol sa ipinaglalaban niyang pagbabago sa Manila kung sakaling mahalal bilang mayor.

Nagkaroon ng issue na hindi na lang naming sasabihin. Marami namang sumuporta kay Sam at naipamalas naman niya ang kanyang ipinaglalaban sa Manila.

May bago kasing patakaran sa Maynila na dapat sundin ng mga gustong magdaos ng activities sa lungsod.

Sa March pa ang official campaign season ng local officials na tumatakbo sa May elections.

AUTHOR PROFILE