Yorme Isko, bilib sa husay at malasakit ni Honey sa Manileño

January 30, 2022 Vic Reyes 91 views

Vic ReyesPAGDATING ng Hulyo 1, marami na namang mawawalan ng trabaho sa gobyerno.

Ito ang mga casual, contractual at iba pang personnel na co-terminus sa appointing authority.

Nakakaawa naman ang mga lingkod-bayan na ito, na karamihan ay mahihirap at masisipag.

Ang problema, wala sila ng tinatawag na “security of tenure.”

Wala silang “civil service eligibility” na kailangan para maging permanente ang appointment ng isang empleyado sa gobyerno.

Nakaugalian na sa bansa ang pag-aappoint ng mga bagong empleyado pag-upo ng bagong alkalde o gobernador.

Siyempre, ilalagay nila sa puwesto ang mga tumulong sa kanilang kampanya.

Ganyan din ang mangyayari sa mga opisinang may mga bagong hepe.

Sabi nga ni dating Pangulong Joseph ”Erap” Estrada: “weder-weder lang yan.”

Oo nga naman.

***

Hindi mahirap mamili ng ibo-ibotong senador.

Labindalawang senador ang ihahalal sa Mayo 9. Hindi kagaya ng mga kandidato sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo, gobernador, mayor at congressman, kailangan isa lang ang iboto sa mga nasabing posisyon.

Sa mga senador, dahil nga labindalawa ang pipiliin, mas madaling mag-desisyon kung sinu-sino ang mga iboboto.

Nandiyan sina Chel Diokno, Guilor Eleazar, JV Ejercito at Raffy Tulfo.

Sa Manila, hindi rin mahirap mamili kasi lutang na lutang ang ”sterling qualities” ni mayoral candidate Honey Lacuna-Pangan, ayon sa maraming sektor.

Alam na niya kung paano patakbuhin ang Maynila dahil siya ang kasalukuyang bise alkalde ng nabanggit na lungsod.

Mismong si Manila Mayor at presidential candidate Isko Moreno ay bilib sa husay at malasakit ni VM Honey sa mga Manileño.

Nagsasayang na lang ng oras at pera ang mga gustong lumaban kay VM Honey.

***

Dapat magtuloy-tuloy na ang pag-arangkada ng ating ekonomiya.

Ituring na lang nating ordinaryong sakit ang COVID-19 na kagaya ng TB, trangkaso, ubo at sipon,

Lahat naman ng mga sakit na ito ay nakahahawa.

Ang kailangan lang talaga ay pag-iingat at sumunod sa mga health at safety protocol ng gobyerno.

Kagaya ng social distancing, pagsusuot ng maskara at regular na paghuhugas ng kamay.

At ituloy ang vaccination program ng gobyerno.

Kung maaari lang ay magbahay-bahay ang mga vaccinator pero huwag pilitin ang mga ayaw magpabakuna.

Sa tingin naman natin ay iilan na lang ang mga ayaw magpabakuna.

Ang mahalaga ay may sapat tayong bakuna para tuloy-tuloy ang ating vaccination programa.

Ngayong sinasabing mah mga gamot na ang covid-l9, dapat magkaroon na nito sa mga health center sa buong bansa.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE