Ynna

Ynna dalawa ang kasal

August 10, 2022 Aster Amoyo 157 views

Ynna1

MAY asawa na ang dalawa sa pitong biological children ng actress-entrepreneur at YouTuber na si Nadia Montenegro sa kanyang namayapang longtime partner (of 28 years) na si Macario `Boy’ Asistio, dating mayor ng Caloocan City. Ang mga ito ay ang kanyang panganay na si Yssa (Alyssa) who got married to Mac London nung February 2021 and her second daughter, ang actress na si Ynna Asistio (Alynna) na ikinasal sa kanyang non-showbiz fiancée na si Waldolf `Bully’ Carbonell last Monday, August 8 sa Alabang.

Ang bagong couple ay ikinasal ng dalawang beses nung nakaraang Lunes. Nauna rito ang kanilang civil wedding sa Muntinlupa City Hall at kasunod na rito ang kanilang Christian wedding ceremony na ginanap naman sa grand ballroom ng Vivere Hotel and Resorts, also in Alabang. This was officiated by Bishop Manny Santiago ng Lifegiver Church habang ang kanilang spiritual leader na si Pastor Jamey Keneth Santiago-Manuel ay nag-alay ng dasal sa mag-asawa.

It was only last July 31, 2022 nang hindi inaasahan ni Ynna na magpu-propose sa kanya si Bully dahil ang alam niya ay diretso na sila sa pagpapakasal. Pero nang magbakasyon sila sa Bohol kasama ang pamilya ni Ynna ay doon nag-propose sa kanya si Bully.

It was last Thursday, August 4 nang ibahagi ni Ynna ang magandang balita na siya’y nagdadalang-tao na kaya malapit nang magkaroon ng apo ang kanyang inang si Nadia Montenegro at great grandchild ng kanyang maternal grandma na si Linda.

Bago nakilala ni Ynna ang mister niya ngayon na si Bully, she was in a relationship with Kapuso actor-dancer na si Mark Herras na tumagal ng mahigit dalawang taon.

Ynna discovered that Mark had an affair with his (former) production assistant na si Diane Evangelista with whom the actor has a daughter, Ada (Ada Sofia Nicolette Herras) who is now 8 years old habang sila pa. Ito ang naging cause ng kanilang paghihiwalay.

Mark is now married to former beauty queen-turned actress na si Nicole Kim Donesa at meron na rin silang anak, na si Corky, now 1 year old.

Masayang-masaya ngayon si Ynna sa piling na kanyang mister na si Bully habang hinihintay nila ang paglabas ng kanilang first baby in the next couple of months.

Si Ynna ay nakapagtapos ng Mass Communications sa Centro Escolar University. Bukod sa pagiging actress ay isa rin siyang gemologist.

Ang isang pinanghihinayangan ni Ynna ay hindi man lamang daw nasaksikan ng kanyang dad (Boy Asistio) ang kanyang pag-aasawa at ang kanyang magiging unang apo sa kanila ni Bully. Pero naniniwala ang aktres na ang kanyang ama ay masaya para sa kanya.

Manny

FM radio station ng AMBS muling inilunsad

KUNG ang popular game show ng TV host-producer na si Willie Revillame ay magbabalik telebisyon ngayong September sa pamamagitan Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na pagmamay-ari ng business mogul, ang dating Senate President na si Manny Villar na siyang Chairman-CEO ng Villar Group of Companies, nauna nang ni-launch ang nagbabalik na K-lite 103.5 FM na siyang magsisilbing flagship radio station ng AMBS.

Ang K-lite 103.4 FM ay matatagpuan sa ikalawang palapag ng Starmall (along Shaw Blvd corner EDSA) sa Mandaluyong kung saan din located ang tatlong newly-renovated studios ng AMBS at kasama na rito ang studio na ookupahan ng “Wowowin” ni Willie Revillame.

Ang K-lite 103.4 FM ay kasalukuyang naglulunsad ng next “K-lite Kampus Krew” at “Kampus Hunt” with ages from 18 to 25) na magiging bahagi ng newly-reformatted programming ng nasabing FM station.

Ang isa sa mga original disc jockeys ng K-lite 103.4 FM na si DJ Jayvee Jariol ay muling nagbalik sa istasyon at regular na mapapakinggan mula alas-9 ng umaga hanggang 12 noon. Habang ang bagitong si SJ Aly Esplana ay makakasama naman from 5 p.m. to 9 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

Since kasisimula pa lamang muli ng K-lite 103-4 FM, maraming dapat abangan ang mga takapakinig kung saan nila regular na mapapakinggan ang kanilang mga paboritong awitin mula 80s up the present music. Magkakaroon din sa live jamming sessions sa programa ang mga singers-artists with their new songs na bumibisita sa istasyon.

BeautedermZeinab

Beautederm inuumpisahan na ang 13th anniversary

BEAUTEDERM celebrates its 13 th anniversary this September at bilang paghahanda sa kanilang month-long celebration, they are sharing the brand’s newest member of the family of brand ambassadors sa pamamagitan ng YouTube sensation na si Zeinab Harake.

Ang social media star at actress na si Zeinab ang oral care brand ambassador ng Koreisu Family Toothpaste at Etre’ Clair, developed, tested and manufactured in Japan. Ang Ko-Rei-Su ay kumbinasyon ng mga salitang Nihongo na kokotaru (bright), ureshi (happy) at tisu (teeth).

Layunin ng Beautederm na gawing isang top tier oral hygiene essential ang Koreisu Family Toothpaste dahil ito’y fluoride-free at triclosan-free na mayroong very minimal ingredients kaya ligtas gamitin at epektibo para sa buong pamilya.

Gawa ang Koreisu sa sodium bicarbonate (baking soda), kaya ligtas itong alternatibo sa mga commercial toothpastes. Nilalabanan din nito ang mga anti-plaque at tooth-decay na nagdudulot ng bacteria.

Isa rin itong whitening toothpaste dahil meron itong activated charcoal na nagtatanggal ng mantsa sa ngipin at bad breath. Ang Etre’ Clair naman ay antibacterial mouthwash at mouth spray na bahagi ng all-natural oral care products ng Beautederm na pinamumunuan ng president and CEO na si Rhea Anicoche-Tan.

Ang pinakabagong brand ambassador na si Zeinab ay may mahigit 50 million followers across all social media platforms mula sa YouTube, Instagram, Facebook, Twitter at TikTok.

Para kay Zeinab, napaka-timing ng pagiging bahagi niya ng Beautederm family dahil kailangang-kailangan ng bawa’t isa ang dental and oral health care laluna sa katulad niyang isang kilalang personalidad.

Nagpapasalamat din si Zeinab sa lady boss ng Beautederm na si Rei for considering her na maging bahagi ng leading company.

Bukod sa mga top Filipino personalities, isa sa mga kinu-consider ni Rei ay ang pagkaroon ng ilang kilalang brand ambassador from South Korea sa malapit na hinanaharap.

Sa ngayon, nearing 80 na ang bumubuo ng Beautederm’s brand ambassadors para sa kanilang iba’t ibang produkto.

Malapit na rin ang inauguration ng BeauteHaus building ng Beautederm na mangyayari sa susunod na buwan na itataon din sa ika-13 anniversary ng popular beauty brand.

AUTHOR PROFILE