Antipolo GINAWARAN ng Antipolo City, sa pangunguna ni Mayora Andeng Ynares ang tatlong malalaking malls sa lungsod ng Safety Seal, kasunod ng pagtalima nito sa mga health protocols na itinakda ng lokal na pamahalaan at Department of Health.

Ynares ginawaran ng Safety Seal 3 mall sa Antipolo City

June 16, 2021 People's Tonight 318 views

GINAWARAN ng Antipolo City, sa pangunguna ni Mayora Andeng Ynares ang tatlong malalaking malls sa lungsod ng Safety Seal, kasunod ng pagtalima nito sa mga health protocols na itinakda ng lokal na pamahalaan at Department of Health.

Sa isang simpleng seremonyas, idinikit ni Mayora Ynares ang Antipolo Safety Seal sa Robinsons Place Antipolo, SM Masinag at SM Cherry.

“Congratulations Robinsons Place Antipolo, SM Masinag and SM Cherry for receiving the Antipolo Safety Seal. Ang tatlong malls po ay pumasa sa Safety Certification program after matapos i-comply ang mga requirements tulad ng valid permit, digital contact tracing at pagsunod sa minimum health standards na itinakda ng Joint Memorandum Circular ng DOH-DTI-DOLE-DOT-DILG,” sinabi ni Mayora Ynares.

Kasabay nito, sinabi ni Mayora Ynares na bilang insentibo, mabibigyan ng additional 10% sa on-site operational capacity ang tatlong malls, alinsunod sa IATF.

“Hinihikayat po natin ang mga private establishments na mag-apply din ng kanilang libreng Safety Seal na ang layunin ay pataasin ang kumpiyansa ng mga customer na ligtas ang inyong establisyimento,” sinabi ni Mayora Ynares.

Maari naman itong makita sa official facebook page ng Antipolo at ng Jun-Andeng Ynares page.

Kailangan lang na mag-log-on sa bit.ly/AntipoloSafetySeal, kasunod ay mag-download na rin ng materyales sa bit.ly/AntipoloSafetySealMaterials.

Matatandaan na pinangunahan ni Mayora Ynares ang isang virtual orientation kasama ang ilang mga establisimiyento sa Lungsod, kung saan muli niyang ipinaliwanag ang ginagawang monitoring and inspection ng siyudad, upang matiyak ang kalusugan ng mga pumapasok o customer nila laban COVID-19.

Isang buwan na ang nakakaraan ng maglabas ng Executive Order si Mayora Andeng, na inaatasan ang mga businesses na tiyakin ang pagtalima sa minimum health protocols sa mga tauhan nila, maging sa mga pumapasok sa kanilang establisimiyento. Bahagi ito ng pandemic response ng siyudad laban sa COVID-19.

Ang mga makakasunod dito ay ginagawaran ng Antipolo Safety Seal Certification.

Paliwanag pa ng alkalde, ang Safety Seal ay “tanda na ligtas ang isang establisyimento dahil sumusunod at nagpapatupad ito ng mga minimum health protocols and standards.”

Ang ASSC seal ay patunay na ang establisimiyento ay “compliant” sa health protocols laban sa coronavirus disease (COVID-19).

“Sa maikling salita, sinasabi nito na ang establisimiyento ay ligtas para sa mga customers nito,” sabi ni Mayora Andeng.

Hindi na bago ang katulad ng safety seal sa Antipolo.

Bago pa man ito ipatupad ay pinatitiyak na ng Antipolo City Government na noong isang taon pa ang istriktong health protocols sa business establishments sa lungsod

“Bago pa ang safety seal dati na namin ginagawa na inaatasan ang mga business establishments na magpatupad ng mga health protocols,” sabi ni Mayora Andeng.

Naghayag naman ng suporta Philippine Commerce of Chamber and Industry-Antipolo Chapter sa safety seal.

“Ang PCCI at business sector ay 100% ang suporta sa national government at local government ng Antipolo City. I encourage everyone na magregister sa Safety Seal program dahil practice na ito sa new normal. Kahit na bakunado tayo, kailangan pa rin ang patuloy na pagsunod sa safety protocols,” sinabi ni Bryant Kim An, president ng PCCI Antipolo Chapter.

Sinabi din ng Department of Interior and Local Government ang halaha ng safety seal.

“Kapag may safety seal ka we are helping our consumers to increase theor confidence na i-patronize ang isang establishment at products o services nito,” sabi ni Cherribin Panganiban, loca government operations officer ng DILG.

AUTHOR PROFILE