Ruffa

Yilmaz kinumpirma ang paghahabol kay Ruffa

March 17, 2025 Vinia Vivar 166 views

Nagsalita na ang Turkish ex-husband ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas na totoo ang lahat ng nasusulat ngayon tungkol sa kanya at true rin daw na nakatakda siyang bumisita ng Pilipinas soon.

Pagkumpirma ni Yilmaz sa kanyang Instagram Story, “For public opinion: Regarding the news about me that has been published in the media recently, I would like to say, ‘Yes, these news are true.

I will be visiting the Philippines soon. Yilmaz Bektas. With my best regards.”

Matatandaang sa latest interview ng media kay Ruffa ay sinabi ng aktres na gusto ulit siyang pakasalan ni Yilmaz at niyayaya siya nitong pumunta ng Europe.

“Hindi siya makahanap ng isang katulad ko. Hanap siya nang hanap sa buong mundo. As a matter of fact, he wanted to propose and get married to me again,” sey ni Ruffa.

“Sabi ko, ‘is this a joke?’ (Sabi niya), ‘no, I want to invite you to be in a train with me’ and mag-train daw kami all over Europe,” pahayag pa ng aktres.

Sabi pa raw ni Yilmaz, dadalawin siya rito sa Pilipinas.

“Sabi ko, ‘okay, you’re welcome to visit in the Philippines,’” ani Ruffa.

Sa pag-amin ni Yilmaz na totoo lahat ito, isa lang ang masasabi namin — ang haaabaaa ng hair ni Ruffa, huh!

Pero teka, paano si…?

Anyway, matatandaang ikinasal sina Ruffa at Yilmaz noong 2003. Naghiwalay sila in 2007 at na-annul noong 2012. They have two beautiful daughters, Lorin and Venice.

AUTHOR PROFILE