Paolo

Yen tahimik pa rin sa isyu nila ni Paolo

September 18, 2021 Aster Amoyo 126 views

MUKHANG may strong following sa Netlix ang Kapuso actor na si Paolo Contis dahil nag-number one ang kanyang 2018 movie with Alessandra de Rossi, ang “Through Night and Day” na dinirek ni Veronica Velasco mula sa magkatulong na panulat nina Alex (Alessandra de Rossi) at Noreen Capili) at joint production ng Viva Films at Octoarts Films.

Hindi gaanong kumita ang nasabing pelikula sa mga sinehan pero pumalo ito nang husto nang ito’y ipalabas sa Netflix. Muling naulit ang tagumpay ng movie ni Paolo ang ipalabas naman sa Netflix ang unang tambalan nila ni Yen Santos, ang “A Faraway Land” na muling pinamahalaan ni Veronica Velasco. Dahil sa nasabing pelikula nagkalapit ang loob ng dalawang lead stars.

Although wala pa ring pag-amin na nagmumula sa Kapamilya actress tungkol sa napapabalitang relasyon nila ngayon ng ex-partner ng Kapuso actress na si LJ Reyes at ama ng kanilang more than two-year-old daughter na si Summer Ayana, marami ang naniniwala na si Yen ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Paolo at LJ na halos anim na taon ding nagsama at nagkaroon ng isang anak.

AndreAndre ipinamigay ang unang suweldo

TUWANG-tuwang ibinahagi ng actress-politician na si Aiko Melendez sa kanyang FB account na proud siya sa kanyang 22-year-old son (sa kanyang ex-husband na si Jomari Yllana) na si Andre Yllana dahil agad itong nag-treat ng dinner sa kanyang pamilya pagkatapos nitong makuha ang kanyang unang pay check bilang actor sa bakuran ng Viva kung saan siya nakakontrata. Bukod sa dinner, binilhan din niya ng kanyang maternal grandma na si Elsie Castaneda ng Apple watch. Bibilhan din niya ng gift ang kanyang sister na si Marthena Jickain at ang kanilang Mama (Aiko).

Kung si Ako lamang ang masusunod, mas gusto nitong ipunin na muna ng kanyang panganay ang perang kinikita lalupa’t hindi pa naman kalakihan ang talent fee nito. Pero gustong ibahagi ni Andre ang kanyang unang kita sa kanyang pamilya kaya ito nag-treat ng dinner.

Hindi ikinakaila ni Andre na pareho umano sila ni Marthena na mama’s and lola’s babies.

Kapag malaki-laki na umano ang kanyang kita, isasama na niya next time ang boyfriend politician ng kanyang mama na si Zambales vice-governor Jay Khonghun.

“I am so proud of my kids kasi pareho silang mababait, respectful and thoughtful,” pagmamalaki pa ni Aiko na tatakbo sa pagka-kongresista sa ika-limang distrito ng Quezon City.

RicoRico nagiging open na sa relasyon kay Maris

HINDI mahalaga ang edad sa dalawang taong nagmamahalan tulad na lamang sa bagong couple, ang OPM icon, ang dating frontman ng Rivermaya, ang composer at record producer na si Rico Blanco (48) at ang ex-PBB housemate, singer-songwriter at actress sna si Maris Racal who is turning 24 sa darating na September 22.

Kilala si Rico sa pagiging introvert pero magmula nang maging sila ni Maris ay unti-unti na rin itong naging sociable dahil na rin siguro sa influence ng kanyang young girlfriend. The most recent ay ang pagsama ni Rico sa kanyang girlfriend sa pagsayaw sa kanyang latest single na pinamatang “Asa Naman” produced by Rico under his own Balcony Entertainment.

Nagka-inlaban sina Rico at Maris nang mag-collab ang dalawa sa song ng singer-actress.

JLCJohn Lloyd ‘di malinaw ang bagong kontrata

NETWORK contract ba or on a per project basis lamang ang magiging kontrata ng dating Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz? Sa kanyang pagbabalik-showbiz ay hindi siya bumalik sa kanyang dating home studio, ang ABS-CBN kundi lumagda siya ng management contract na pinamumunuan ng kapwa niya dating contract star ng ABS-CBN na si Maja Salvador.

Matagal nang napapabalita na nakatakda umanong gumawa ng sitcom si JLC sa GMA na pamamahalaan ni Edgar `Bobot’ Mortiz at lumutang din ang pangalan ng Kapuso actress na si Andrea Torres as his leading-lady pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung ito’y matutuloy o hindi.

Ayon sa balita, susubukan daw muna ni JLC ang gumawa ng sitcom bago ang iba pa niyang gagawing proyekto. Since nasa bakuran na rin ng GMA ang kanyang perennial screen partner noon na si Bea Alonzo, posible rin silang magtambal sa isang bagong movie o TV series.

LaniLani balik-trabaho na

BACK in top shape ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha na babalik bilang isa sa original judges ng reality singing competition ng GMA, ang “The Clash 2021 ” na nagsimula in 2018 with Asia’s Songbird Regine Velasquez as the original host kasama ang Asian Romantic Balladeer na si Christian Bautista at Comedy Queen na si Ai-Ai de la Alas as co-judges. The program will be hosted for the third time nina Rayver Cruz and Julie San Jose at mananatiling Clashmates or journey hosts sina Ken Chan at Rita Daniela.

Kung matatandaan pa, pansamantalang humalili ang Concert Queen na si Pops Fernandez kay Lani nung isang taon matapos sabay silang nagkaroon ng bacterial meningitis ng kanyang mister na si Noli Misalucha. Dahil sa nasabing sakit, na-ICU sa isang pagamutan si Lani at nawalan siya ng pandinig sa isang tenga. Nagkaroon din silang mag-asawa ng vestibular dysfunction. Pero sa awa ng Diyos ay pareho na silang naka-recover at handa na muling sumabak sa trabaho.

JaoJao ayaw ipapanood sa pamilya ang sexy movie

ANG sexy-drama movie na “Paraluman na dinirek ni Yam Laranas under Viva Films ay magsisilbing comeback movie ng isa sa mga matinee idols in the 90’s na si Jao Mapa. Ito’y pinagtatambalan nila ng in-demand Viva actress na si Rhen Escano at nakatakdang mapanood sa Vivamax streaming app simula ngayong Septesmber 24.

Ayon sa actor-painter, wala umanong problema sa kanya ang pagpapa-sexy sa pelikula pero hindi umano niya ito ipapapanood sa kanyang non-showbiz wife na si Cecile at mga anak na sina Benjamin, Caleb at Amber.

“Wala sa showbiz ang pamilya ko kaya gusto kong protektahan sila sa aspetong `yon although alam naman nila na parte ito ng trabaho ko,” pahayag ng actor-painter.

Thankful si Jao na muli siyang binigyan ng pagkakataon ng Viva na maging aktibo muli sa showbiz.

Bukod sa “Paraluman,” si Jao ay naging bahagi rin ng “Puto” series ng TV5 na pinagbidahan nina Herbert Bautista at McCoy de Leon.

“Sana tuluy-tuloy na ito,” asam pa niya.

Subscribe, like, share and hit the bell icon #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE