Yen

Yen masaya kahit di natupad ang pangarap

November 8, 2024 Aster Amoyo 186 views

Yen1Yen2MASAYA ang only girl (sa tatlong anak) ng actor na si DJ Durano na si Yen Durano na isang VMX sexy star dahil sunud-sunod ang kanyang magagandang (sexy) projects na ang pinakabago ay ang upcomimg movie release ng Viva Films na “Celestina: Burlesk Dancer,” mula sa magkatulong na panulat ng National Artist for Film and Broadcast, ang award-winning veteran writer na si Ricky Lee at ang premyadong director na si Mac Alejandre who also directed the film.

Kinu-consider ni Yen na masuwerte siya because she gets to work with known and award-winning filmmakers tulad nina Direk Joey Javier-Reyes, Mac Alejandre, Roman Perez, Jr. at iba pa.

Nagpapa-seksi man siya sa mga pelikulang kanyang ginagawa, she makes it a point na may magandang kuwento ang mga ginagawa niyang movies tulad na lamang nitong pinakabago niyang movie under VMX, ang “Celestina: Burlesk Dancer,” isang period movie na dinirihe ni Mac Alajendre na second time na niyang nakatrabaho after “Ganti-Ganti”.

She emphasized na ang pagpapaseksi niya sa kanyang mga pelikula ay integral sa kabuuan ng kuwento ng movie.

Smart at articulate magsalita si Yen sa kanyang interviews ito’y dahil nagtapos siya ng Communication Arts sa sa University of Sto. Tomas.

Ayon sa dalaga, while growing up ay alam na umano niya ang gusto niyang gawin. Na-expose siya sa showbiz dahil sa kanyang amang actor na si DJ Durano. At first ay gusto umano niyang maging flight stewardess dahil gusto niyang mag-travel pero matutupad pa rin umano ang kanyang pagta-travel sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas at ibang bansa kahit pag-aartista ang kanyang pinasok.

When she was decided about her plans to enter showbiz ay kinausap umano niya ang kanyang parents na nirespeto naman ang kanyang desisyon.

Bukod sa pagpapa-seksi ay gusto rin ni Yen na sumubok sa iba’t ibang genre ng pelikula including doing horror films and hopefully to work with her father in a movie sa malapit na hinaharap.

Sid Lucero and Christine Bermas are her co-stars in her upcoming movie “Celestina: Burlesk Dancer”.

Samantala, klinaro ni Direk Mac Alejandre na ibang-iba umano ang “Celestina: Burlesk Dancer” ni Yen sa 1977 award-winning movie ni Vilma Santos na “Burlesk Queen” na isa umano sa mga hinahangaan niyang pelikula ni Vi at ng yumaong si Direk Celso Ad. Castillo.

Bukod sa “Celestina: Burlesk Dancer,” si Yen ay nakagawa na rin ng maraming pelikula since she signed up with Viva nung isang taon at kasama na rito ang “Litsoneras” her first lead role na dinirek ni Roman Perez, Jr., ang “Summer” at “Choosy Me” ni Direk Joey Javier Reyes, “Ganti-Ganti” with Direk Mac at iba pa.

Although ang pagiging isang sexy star ang entry point ni Yen in showbiz, pangarap din niyang makilala siya bilang isang mahusay na actress balang araw, her ultimate goal.

Xxxxxxxxxx

BINIBINI1BAGO pa man ipaalam sa publiko ang mga special guest performers ng “BINIVerse” three-night major concert on November 16, 17 &18, 2024 a the Big Dome ay halos sold-out na ito base na rin sa kanilang popularity ngayon.

Just the same, honored ang BINII dahil pinaunlakan sila nina Vice Ganda, Gary Valenciano, Regine Velasquez and Maymay Entrata to be their special guests.

Walang mapagsidlan ng kaligayahan ang BINI sa kanilang tinatamasang kasikatan ngayon. Thanks to their BLOOMS (fans) who made it happen for them laluna ang kanilang mentor na si Drek Lauren Dyogi, their Star Magic, Star Music and ABS-CBN families. Record itong maituturing para sa isang baguhang grupo tulad nila.

Declaration ni Christine tungkol sa paghuhubad half-baked

IT was only last September nang mag-deklara ang VMX sexy star na si Christine Bermas na tigil na umano siya sa paggawa ng mga sexy movies at ito’y kanyang ipinaalam sa Viva big boss na si Boss Vic del Rosario na nirerespeto naman ang kanyang naging desisyon. But she’s doing a sexy role sa upcoming theater release ng “Celestina: Burlesk Dancer” with Yen Santos on the title role mula sa magkatulong na panulat nina Ricky Lee at Mac Alejandre at direksiyon ng huli.

Ayon kay Christine, nagawa na umano niya ang nasabing pelikula bago siya nagdesiyon ng kanyang pagtigil sa paggaw ng mga seksing pelikula. Pero inamin niya na puwede pa rin umano siyang magpa-sexy depende sa magiging takbo ng kuwento ng pelikula. So open-ended ang kanyang pagpapa-seksi.

Speaking of Christine, hindi rin nito ikinaila na tapos na umano ang kanilang relasyon ng kanyang Canadian actor-model former boyfriend na si Nico Locco and she’s now in the process of moving on.

Vice Ganda walang kinalaman sa desisyon ni Ion

ViceWALA umanong kinalaman ang longtime partner ni Ion Perez na si Vice Ganda sa naging desisyon ng una na pumasok at umatras sa larangan ng pulitika kundi sarili umanong desisyon ito ng isa sa mga hosts ng “It’s Showtime”.

Habang naroon ang puso ni Ion para sa kanyang mga kababayan sa Concepcion, Tarlac, gusto umano nitong mapaghandaan nang husto ang pagpasok niya sa public service na siyang dahilan kung bakit siya umatras.

Kilala ni Vice ang pagkakaroon ng magandang puso ni Ion at pagkakaroon ng malasakit nito sa kanyang mga kababayan bago pa man nito plinano ang pagpasok sa larangan ng pulitika. While Vice is there to support her husband, wala umano siyang sey pagdating sa mga personal decisions nito na kanya umanong nirerespeto.

Nangyari kay Ken nakakalungkot

ISA kami sa nalungkot para sa Kapuso singer-actor at entrepreneur na si Ken Chan na nasasakdal ngayon sa kasong estafa na nagkakahalaga ng P14-M na may kinalaman sa negosyong pinasok nito.

Dalawang beses na umanong nag-serve ng warrant of arrest sa known address ng actor pero hindi umano matagpuan doon ang actor at wala na rin umanong tao run.

Kilala naman ang pagiging mabait at responsible person ni Ken even during his “Walang Tulugan with the Master Showman” days kaya nakakabigla ang mga balitang naglalabasan tungkol sa kanya ngayon.

Sana harapin ni Ken ang mga kasong kanyang kinakaharap niya ngayon gayundin ang iba niyang mga business partners nang malinis niya ang kanyang pangalan kung ito’y hindi totoo.

Marami rin ang nagtaka nang biglang mawala ang kanyang character sa “Abot Kamay na Pangarap” TV series bago pa man ito nagtapos sa ere not too long ago.

Vhong at mga kasama sobrang laki ng utang na loob kay Direk Chito

VhongVhong1HINDI ikinakaila ng dancer-turned actor-comedian at isa sa mga hosts ng noontime program na “It’s Showtime” na si Vhong Navarro na sobra umano ang kanyang pasasalamat sa mentor-manager ng the Streetboys all male-dance group nung dekada nobenta, ang veteran at award-winning filmmaker na si Chito Rono dahil kung hindi umano kay Direk Chito ay walang Streetboys dancers na nabuo at wala umano sila nina Jhong Hilario, Spencer Reyes, Danilo Barrios at iba pang miyembro ngayon.

Mga tinedyer pa umano sila noon nang mag-audition sila sa Equinox Disco in Makati City na pinamahalaan ni Direk Chito at ng kanyang mga kaibigan.

Kainitan umano noon ng male dance groups na United Motion Dancers (UMD) ng Univeral Records at OctoManoeouvers ng OctoArts nang sila’y mag-audition for Streetboys na sobrang sumikat matapos silang i-launch nung 1993.

Mula sa pagsasayaw ay iba’t ibang buhay ang kanilang tinahak na ang kanilang naging puhunan ay ang kanilang pagsasayaw ng mga death defying dance moves. Karamihan sa kanila ay hindi nakapagtapos ng kanilang pag-aaral dahil mas pinaboran nila ang kanilang passion sa pagsasayaw.

“No regrets,” pahayag ni Vhong na isa ngayong sikat na dancer, actor-comedian at host along with his co-member na si Jhong Hilario na tinapos ang pag-aaral kahit may asawa’t anak na. He even took his master’s .

“Gusto kong mapasaya ang parents ko na binigo ko noon dahil sa pagmamahal ko sa pagsasayaw,” paliwanag ni Vhong.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE