Yen3

Yen at Christine patalbugan sa paggiling at pang-aakit

November 8, 2024 Jun Nardo 134 views

TAILOR-MADE para kay VMX sexy star Yen Durano ang latest MacArthur Alejandre movie na “Celestina: Burlesk Dancer,” na ipalalabas sa mga sinehan simula December 4.

Sa chikahan namin kay Direk Mac, gusto niyang gumawa ng movie na parang ”Burlesque Queen” ni Vilma Santos. Si Yen ang gusto niyang magbida rito.

Sa “CBD,” muling nagsama sina Direk Mac at National Artist Ricky Lee para makabuo ng project na buhay ng burlesque dancers pero malayo ito sa ginawang movie ni Ate Vi.

Eh, dahil mahal ng Viva si Direk Mac, nadagdagan ang budget ng movie lalo na’t period ang setting bago ang Japanese era.

Nag-aral ng sayaw, kilos at salita si Yen kahit na nga hirap siya lalo na’t Inglesera siya. Upang maging bonus sa movie, isinama sa cast si Christine Bermas kahit support lang siya kay Yen, huh!

“Mas mahirap magdirek ng nagsasayaw ng burlesk. Eh, magaling ang mga artista ko kaya hindi ako nagkaroon ng problema sa kanila.

“Of course, may sexy scenes sila na hindi mawawala sa movie. One thing sa movie, isang tunay na Japanese actor based sa Tokyo ang lumabas na pumasa sa audition na ginawa namin. Happy ako sa resulta ng movie at pati si Boss Vic (del Rosario),” pahayag ni Direk Mac.

Nagpasampol ng burlesk dancing sina Yen at Christine sa mediacon at patalbugan silang dalawa lalo na sa paggiling at pang-aakit sa lahat.

Wala ka talagang itulak-kabigin kina Yen at Christine pagdating sa burklesk dancing.

AUTHOR PROFILE

Showbiz

SHOW ALL

Calendar