Yassi Pressman

Yassi: ’Wag tayong maging parte ng hate culture

March 25, 2023 People's Tonight 323 views

Hangga’t kaya niya ay inuunawa na lang ni Yassi Pressman ang kanyang mga basher. Aminado siyang ibang-iba na talaga ang panahon ngayon.

“Ang tatay ko po, ipinanganak noong 1929. Kinukuwento niya po sa akin when he was still alive, ibang-iba po talaga ‘yung buhay po nila noon,” sey ni Yassi sa mediacon ng Kurdapya.

“Ang problema po nila sa eskwelahan, nananatili po sa eskwelahan. Kapag umuuwi na po sila sa bahay, wala na po ‘yun. Kaya pa po nilang mabuhay kung ano ‘yung normal life nila with their family and friends,” patuloy niya.

Pero ngayon ay iba na nga at matindi talaga ang social media, lalo na sa mga kabataan.

Pero kailangan din daw nating intindihin na mayroon ding iba’t ibang pinagdadaanan ang netizens kaya nakakapanakit ng damdamin ng ibang tao.

“Hurt people hurt people basically. Meron din po silang pinagdadaanan, mayroon din silang mga problema na hindi natin maintindihan.

“Kaya kung hangga’t maaari, hindi po natin sila babatuhan ulit ng apoy kung nagbuga na po sila ng apoy. You just really wish na okay, kung kaya mong sumagot nang hindi pasuntok,” ani Yassi.

Pwede naman daw sagutin pero sana ay huwag tayong maging parte ng hate culture.

“There’s so many people that’s in pain right now. Napakaraming problema ng mundo, hindi na kailangang dagdagan,” sey pa ng aktres.

Samantala, after FPJ’s Ang Probinsyano, nagbabalik si Yassi sa isang bagong TV series para sa TV5.

Pinagbibidahan niya ang titular role ng classic na movie ni Pablo S. Gomez na Kurdapya.

Kambal na karakter ngunit galing sa magkaibang antas ng buhay ang gagampanan ni Yassi sa serye: Si Kuring, na probinsiyanang mahilig sa vlogging, at si Daphne, isang tila perpekto at mayamang dilag ngunit kulang sa pagmamahal na anak.

Mula sa direksyon ni Easy Ferrer, napapanood ang Kurdapya sa TV5 tuwing Sabado 6 p.m., may catch-up episodes din sa Sari Sari channel tuwing Linggo, 8 p.m.

Vinia Vivar

AUTHOR PROFILE