Yassimanny

Yassi, umaariba sa paghu-host

July 23, 2021 People's Tonight 206 views

SIGURADONG nasa Cloud Nine ngayon ang Viva artist na si Yassi Pressman dahil bukod sa engrandeng pagbabakasyon sa Amerika, eh, umaariba rin sa pagti-trending ang Rollin’ In It Philippines game show na hinu-host niya.

Katunayan, recently ay nag-double trending pa for seven consecutive weeks ang nasabing game show na napapanood tuwing Sabado, alas-siyete ng gabi, sa TV5.

Actually, nu’ng una ay hindi akalain ni Yassi na magiging effective game show hostess siya bilang mas kilala nga siya as an actress sa ilang sikat na serye sa telebisyon tulad na lamang ng FPJ’s Ang Probinsyano nila ni Coco Martin sa ABS-CBN noon.

Pero lately, needless to say, ay nai-enjoy na nang husto ng aktres ang stint niya sa Rollin’ In It Philippines gaya ng nakikita ng viewers sa show linggu-linggo.

Nagagamay na nga ni Yassi ang pulso ng game show kung saan maaaring mag-uwi ng malalaking papremyo ang mga contestant.

Ngayong Sabado, mapapanood kung may dala nga bang suwerte ang pagiging hot, witty at charming nina Gab Lagman, Iyah Mina at AJ Raval sa pagsabak sa pagru-roll ng coin sa Todo Max Weekend block ng Kapatid network.

As for Yassi, patuloy lang ang good vibes postings niya sa kanyang Instagram account ng iba’t ibang sikat na personalidad na nakakasalamuha niya sa pag-iikot sa Amerika.

Kamakailan lamang, ibinahagi ng aktres sa IG ang pagkikita nila ng sikat na NBA star na si Damian Lillard sa Los Angeles, California.

Nagkakilala ang dalawa nang magbigay si Lillard ng P1M donasyon sa fund drive ng aktres para sa mga biktima ng sunog sa Philippine General Hospital (PGH).

Kaya naman sey ni Yassi sa IG pic nila, “It’s about DAM(E) TIME we see each other in person. But seriously tho, (I) wanna say thank you to this big guy for spending time today, for helping me out during my reachout in the PH when the Philippine General Hospital caught fire, & just for being the kind-hearted person that he is.

“You are truly a gem. So down to earth. My most favorite player. Can’t wait to see you again soon.”

Bukod kay Lillard, nagkita’t nagkasama rin sa Amerika sina Yassi at Sen. Manny Pacquiao na naroroon kasama ang buong Team Pacquiao para sa nalalapit niyang boxing bout.

COUPLE GOALS SA ‘THE WALL…’

COUPLE goals ang peg ng episode ngayong gabi, alas-otso, ng The Wall Philippines, hosted by Billy Crawford, dahil ang mag-partner na sina Aubrey Miles at Troy Montero ang susubok ng kanilang swerte laban sa Wall.

Sa totoo lang, bihira lumantad sa limelight nang sabay sina Aubrey at Troy these days. Kaya naman kaabang-abang ang bonding moment nilang ito sa The Wall… lalo pa nga’t maraming viewers at netizens ang humahanga sa katatagan ng kanilang pagsasama.

Kitang-kita ang chemistry nina Aubrey at Troy sa kanilang social media accounts dahil swak ang mga interes nila sa likod ng kamera, gaya na lamang ng pagiging doting parents sa mga anak, pagiging plantito’t plantita at workout buddies.

Given this, sila na nga kaya ang ultimate #couplegoals ngayong gabi? Maiuwi kaya ng mag-partner ang P12 million pot money sa The Wall Philippines?

Abangan ang pakikipagsagupa nina Aubrey at Troy sa Wall mamaya sa Todo Max Weekend block ng TV5.

AUTHOR PROFILE