Rolling

Yassi tahimik pero ang dami nang naipundar

August 24, 2021 Aster Amoyo 425 views

ALL these years ay tahimik lamang ang 26-year-old Filipina-British Viva singer, dancer, actress, TV host, celebrity endorser and entrepreneur na si Yassi Pressman pagdating sa pagha-handle ng perang kinikita from her showbiz career since she started in showbiz nung 2006.

At age 26, may ilang negosyo na palang naipundar si Yassi at patuloy na nagi-explore ng iba pang business na puwede niyang pasukan hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Kamakailan lamang ay nanggaling siya ng Amerika with sister Issa for other possibilities na puwede niyang gawin and have met up with other possible business partners as well.

Unknown to many, isang successful entrepreneur si Yassi. Nagtayo siya ng isang resto-bar in Siargao, ang Zicatela, a dog line accessories in BGC, a beautiful lakefront vacation property in Lake Scugoy, Ontario, Canada na gagawin niyang pang AirBnb, another of this kind in San Benito Farm in Lipa, Batangas and other planned businesses in progress. Bukod pa ang mga ito sa house and lot na kanyang naipundar nung nabubuhay pa ang kanyang ama, ang British national na si Ronnie Pressman na sumakabilang-buhay nung February 6, 2020.

Samantala, inamin ng TV host ng local adaptation ng British game show na “Rolling In It” (Philippines) na sobra umano siyang nagi-enjoy sa kanyang kauna-unahang TV hosting job hindi lamang dahil nagi-enjoy ang game participants at mga manonood kundi 12 times na rin itong nag-trending sa Twitter.

Si Yassi ang kauna-unahang female game show host ng Philippine version ng “Rolling In It Philippines” sa unang season nito na magtatapos on October 2. Looking forward ang actress-TV host na siya pa rin ang kukuning host sa Season 2 and future seasons ng nasabing game show na napapanood sa TV5 every Saturday at 7 p.m.

AUTHOR PROFILE