Yassi

Yassi masaya kay Luigi

September 15, 2023 Aster Amoyo 237 views

NAI-SHARE ni Yassi Pressman na masaya siyang nakakasama ngayon si Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte ngunit ayaw niya muna itong lagyan ng label.

“I don’t want to put labels into anything anymore, not rushing it to anything anymore. Kung saan na lang po ako nagiging masaya, kasi mahirap po talaga ‘yung pinagdaanan ko, and now, sometimes feeling ko, wherever I’m happy, I’ll stay there,” sabi ni Yassi na magbibida sa pelikulang Video City: Be Kind, Please Rewind at kasama rin siya sa action-serye ng GMA na Black Rider.

Dagdag pa ni Yassi na masaya raw kasama si Luigi. Mas nakilala raw niya ito ngayon kahit na matagal na silang nag-meet.

“Me and Luigi have known each other for a very long time, parang 10 years na kaming magkakilala, so now we’re spending more time together and getting to know each other more,” saad ni Yassi.

Matatandaang na-link din si Yassi kay Ilocos Norte Representative Sandro Marcos, bagay na kanyang pinabulaanan.

Kinumpirma naman ni Yassi ang hiwalayan nila ng kaniyang non-showbiz boyfriend na si Jon Semira noong nakaraang buwan.

Ken in love ba ngayon?

HINDI kaagad nakasagot si Ken Chan nang tanungin siya kung “in love” siya ngayon.

Ibinato ng King of Talk Boy Abunda ang naturang tanong kay Ken sa segment na “Fast Talk.” Natawa rin aktor na hindi siya kaagad nakasagot bago niya nasabi ang salitang, “medyo.”

Matapos ang naturang segment, binalikan ni Tito Boy ang nasabing tanong para makapagpaliwanag si Ken sa ibig niyang sabihin na “medyo” in love siya.

“I’m in love in so many different ways and in so many different things. It doesn’t mean na tao ‘yon. Puwedeng career, family, friends,” paliwanag pa niya.

Gayunman, inamin ni Ken na mi-miss na niyang ma-in love talaga sa isang tao o sa special someone.

Sa nasabi rin panayam, sinabi ni Ken na masaya siya sa teleserye na “Abot-Kamay Na Pangarap,” kunsaan ginagampanan niya ang role bilang si Dr. Lyndon Javier, isang neurosurgeon, at kasama sa ospital si Doc Analyn Santos, na ginagampanan ni Jillian Ward.

“Ngayon, nasabi ko na medyo in love ako because happy ako sa set, happy ako sa set ng ‘Abot-Kamay Na Pangarap,” diin pa ni Ken.

Matatandaan sa isang guesting ni Ken sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Pebrero, inihayag niya na nahulog ang loob nila sa isa’t isa ni Rita Daniela.

Nangyari ito nang maging magka-loveteam sila sa maraming proyekto kabilang ang hit series na “My Special Tatay.”

Pagka-eliminate ni Abante sa AGT ikinalungkot ng mga Pinoy

MARAMI ang nalungkot nating kababayan dahil na-eliminate na sa America’s Got Talent Season 18 ang Filipino fisherman na si Roland Abante.

Sa naganap na live show noong Wednesday ng AGT, ang two acts from “Qualifiers 4” who will go straight to the finals are the dance group Chibi Unity and magician Anna Deguzman.

Pero may pag-asa pa rin daw si Abante na makabalik sa AGT sa pamamagitan ng wild card.

Muling pinamangha ni Abante ang judges ng AGT sa pag-awit niya ng Whitney Houston’s iconic hit na “I Will Always Love You.”

After his performance, muli itong nakatanggap ng standing ovation from tghe judges and the audience.

AUTHOR PROFILE