Yasfam

Yasmien at pamilya, positibo sa Covid

January 17, 2022 Vinia Vivar 367 views

Nagpositibo rin pala sa COVID-19 si Yasmien Kurdi at ang kanyang asawa’t anak.

Ibinahagi ito ng Kapuso actress kahapon sa kanyang Instagram account.

Nag-post si Yasmien ng family photo nila ng mister na si Rey Soldevilla at anak na si Ayesha.

Aniya sa caption ay last day na ng kanilang quarantine.

Finally #DAY7 Last day of #HomeQuarantine na namin ni Pangga… pero si #AyeshaZara may additional days to go pa then malaya na din siya. #RoadToNegative na ang #FamiliaSoldevilla na #TeamPositive noon hehe,” caption ni Yasmien.

Ibinahagi rin ng aktres sa kanyang IG Story ang resulta ng RT-PCR test nila ni Ayesha kung saan nga ay nakasaad dito na positive sila.

Sa larawan ay mukha namang walang dapat ipag-alala ang kanilang fans dahil mukhang okay na ang Team Soldevilla.

AUTHOR PROFILE