Yam nanganak na sa first baby
NAGSILANG na sa kanyang first baby (boy) with her non-showbiz husband na si Miguel CuUnjieng ang Viva singer-actress na si Yam Concepcion in New York City, kung saan ngayon naka-base ang actress kasama ang kanyang mister.
Sa isang compiled video reel na in-upload ni Yam sa kanyang Instagram account, ipinakita roon ang mga happy moments ng mag-asawa na ang pinaka-finale ay nag-kiss ang couple kung saan nasa unahan nila ang isang baby stroller.
Bago nagpakasal ang dalawa, LDR (long distance relationship) ang kanilang arrangement dahil sa New York, USA naka-base si Miguel habang nasa Pilipinas naman si Yam para sa kanyang trabaho bilang actress. Pero pagkatapos ng last TV series ni Yam sa ABS-CBN, ang hit primetime series na “Init sa Magdamag”na tinampukan nila nina Gerald Anderson at JM de Guzman, nag-decide na actress to join her boyfriend then in New York.
The couple got engaged nung June 23, 2021 and got married on July 25, 2021.
Yam had a good ten years in showbiz and her acting career bago siya nag-decide to move to New York and have a family of her own.
Huminto man si Yam sa kanyang showbiz career ay nagmarka naman sa mga manonood ang kanyang huling TV series, ang “Init sa Magdamag” on ABS-CBN’s Kapamilya Channel. Huling pelikula naman niya (sa Viva Films) ang “Nightshift” na ipinalabas nung 2020.
She joined showbiz in 2011 and quit in 2021.
Si Yam ay nagtapos ng Multimedia Arts sa De la Salle – College of Saint Benilde.
Mga pelikula ni FPJ balik-GMA
MATAPOS mapanood ng maraming taon ang mga classic films ng yumaong movie king and National Artist for Film na si Fernando Poe, Jr. (Ronald Allan Kelley Poe) sa ABS-CBN, simula sa 2025 ay mapapanood naman ang mga pelikula ni Da King sa GMA simula sa pagpasok ng 2025, ang “FPJ sa GMA”.
Kamakailan lamang ay nagkaroon ng contract signing sa pagitan ng GMA top executives at ng FPJ Productions, Inc. na pinangunahan ng president na si Jeffrey Stevens Sonora at ang vice president and corporate secretary and treasurer na si Joseph Sonora na dinaluhan din ni Sen. Grace Poe-Llamanzares at anak nitong si Brian Poe Llamanzares.
Bago pa man na-acquire ng ABS-CBN ang TV rights ng mga FPJ movies ay una itong napanood sa GMA nung dekada otsenta. Ngayon ay balik-GMA na naman ang FPJ movies sa pagsisimula ng bagong taong 2025.
Ang muling pag-acquire ng TV rights ng FPJ movies ng GMA ay halos kaalinsabay sa 20th death anniversary ng yumaong movie king sa darating na December 14.
Si FPJ ay sumakabilang-buhay nung December 14, 2004 dahil sa atake sa puso habang ang kanyang misis na si Susan Roces ay yumao nung May 20, 2022 sa edad na otsenta. Ang yumaong mag-asawa ay ikinasal on Christmas day, December 25, 1968 at meron silang adopted daughter na si Sen. Grace Poe.
The late FPJ had two other children outside of the marriage na sina Ronian at Lovi Poe.
Unknown to many, tulad ni Sen. Lito Lapid, si FPJ ay nagsimula sa showbiz bilang stuntman. Ang kanyang first lead role ay nung 1955, ang “Anak ni Palaris” sequel sa pelikulang pinagbidahan ng kanyang namayapang amang si Fernando Poe, Sr. Pero ang kanyang breakout film ay nangyari nung 1956 nang gawin niya ang “Lo Waist Gang” at kasunod na rito ang paggawa niya ng mga action movies kung saan niya na-earn ang Action King through the years. In all his movies ay parating naroon `yung ingredient na `champion and defender of the poor’.
Nung nabubuhay pa si FPJ, tahimik lamang ito sa pagiging matulungin sa kanyang kapwa laluna sa mga taga-industriya where he was well-loved and respected up to the very end.
Kasama sa more than 300 films ni FPJ ang “Santiago” nung 1970 na pinamahalaan ng premyadong director na si Lino Brocka, ang “Asedillo” nung 1971 na dinirek ni Celso Ad. Castillo, ang “Bato Sa Buhangin” nung 1976, ang “Durugin si Totoy Bato” nung 1979, ang “Aguila” nung 1970 na pinamahalaan ni Eddie Romero, ang kanyang self-directed movie na “Ang Panday” maging ng sequels nito, ang “Roman Rapido,” “Isang Bala Ka Lang,” ang 1986 movie na “Iyo ang Tondo, Kanya ang Cavite” with Ramon Revilla, Sr., “Muslim .357,” “Batang Quiapo,” “Kahit Konting Pagtingin” nung 1990, “Ang Probinsyano” nun 1996 (which was made into a TV series ni Coco Martin na tumagal ng pitong taon sa ere), “Isusumbong Kita sa Tatay Ko” with Judy Ann Santos nung 1999 at “Dalubhasa” in 2000 among so many others.
Taong 1988 when he was inducted FAMAS Hall of Fame. He was also FAMAS Best Director for “Padrino” nung 1984 at nung 1995 for the movie “Kahit Butas ng Karayom, Papasukin Ko”.
Nung 2004 binigyan siya ng FAMAS Awards ng posthumous award for Natatanging Alagad ng Sining.
In 2006, FPJ was declared National Artist for Film na tinanggap lamang ng kanyang pamilya six years later nung 2012.
Although magtu-twenty years nang namayapa si FPJ, nanatiling buhay ang kanyang alaala sa pamamagitan ng kanyang mga pelikula.
Ang TV Primetime King, ang actor, director at producer na si Coco Martin ay patuloy na nagbibigay ng halaga at pagkilala sa yumaong movie king sa pamamagitan ng paggawa ng serye base sa mga classic hit movie ni FPJ tulad ng “FPJ’s Ang Probinsiyano” na pitong taong namayagpag sa ere habang ang kanyang “FPJ’s Batang Quiapo” ay magda-dalawang taon na ring napapanood on ABS-CBN.
Although hindi naka-trabaho ni Coco si FPJ nung ito’y nabubuhay pa, he will remain his idol. Kilala rin si Coco sa pagiging matulungin laluna sa kanyang mga kasamahan sa trabaho na walang work. Pinasok na rin ni Coco ang pagdidirek at pagiging producer tulad ng kanyang idolong si FPJ.
Sa darating na December 14 ay gugunitain ang 20th death anniversary ni FPJ hindi lamang ng kanyang pamilya at mga kaanak, kundi ng industriya ng pelikulang Pilipino na kanyang kinabilangan ng halos limang dekada bago siya pumanaw.
JK isa nang major concert artist
MAIHAHANAY na ang singer, songwriter, musician at actor na si JK Labajo sa mga major concert artists matapos nitong halos mapuno ang SM MOA Arena last November 29, 2024 sa kanyang first major solo concert na pinamagatang “Juan Karlos LIVE” directed by Paolo Valenciano. Ang nasabing concert ay produced ng Nathan Studios na pag-aari ng Atayde family sa pangunguna ng actress-turned movie and concert producer na si Sylvia Sanchez.
Before the concert ay magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ni JK. Naroon din ang takot na hindi niya mapuno ang MOA Arena. Pero napawi ang kanyang kaba nang unti-unting magdatingan ang mga tao and almost filled-up the arena kaya ginanahang lalo sa kanyang performance ang singer, songwriter, musician at actor.
Nagpapasalamat naman si Sylvia and her Nathan Studios family sa tiwalang ibinigay sa kanila ni JK matapos ang ilang taong ligawan.
Siguradong nanood ang bagong inspirasyon ngayon ni JK, ang singer, model at naging kandidata sa 2024 Miss Universe Philippines pageant na si Dia Mate, apo ng kasalukuyang Justice Secretary na si Jesus Crispin Remulla.
JK was formerly in a relationship with model-actress na si Maureen Wroblewitz when he was 16 and 18 naman si Maureen na nakarelasyon niya ng halos limang taon (2017 to 2022).
Ngayong naging successful ang first major solo concert ni JK, hindi na siguro siya matatakot na tumanggap muli ng panibagong major concert in the future.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTAlK with Aster Amoyo” and “Inside SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.