Yam at BF itinago ang engagement

June 24, 2021 Aster Amoyo 517 views

MAHIGIT dalawang taon ding naitago ng Viva at Kapamilya star na si Yam Concepcion at ng kanyang New York-based non-showbiz fiance na si Miguel CuUnjieng ang kanilang engagement na naganap nung December 31, 2018 sa Niseko, Japan. Ito’y ibinahagi ng “Init sa Magdamag” star sa kanyang Instagram account nitong nakaraang Martes lamang, June 22.

Yam and Miguel have been carrying a long distance relationship dahil sa New York City, USA nagtatrabaho ang huli.

Kung sa ibang couple ay hindi nagwu-work ang LDR (long distance relationship), hindi ito naging problema kina Yam at Miguel na may constant communication. Umuuwi ng Pilipinas si Miguel kapag may pagkakataon habang si Yam naman ay lumilipad patungong New York kapag libre ang kanyang schedule.

Kahit non-showbiz si Miguel, very supportive ito sa kanyang fiancée pagdating sa trabaho at ito pa umano ang nag-encourage kay Yam na tanggapin ang role nito sa kanyang pinakabagong primetime TV series na “Init Sa Magdamag” kung saan niya leading men sina Gerald Anderson at JM de Guzman lalupa’t ito ang first lead role ng actress in a TV series.

Kapag nag-asawa na si Yam, malamang na i-give-up niya ang kanyang acting career sa Pilipinas to live with her future husband in the U.S.

Si Yam ay nagtapos ng Multi-Media Arts sa College of Saint Benilde ng De la Salle University.

Jodi tinapos ang pag-aaral sa kabila ng edad

MARAMI ang pinahanga ng actress na si Jodi Sta. Maria dahil sa kabila ng kanyang busy schedule sa showbiz at pagiging single mom to her teen-age son na si Thirdy (Panfilo Lacson III) ay nagawa nitong tapusin ang kanyang pag-aaral ng Bachelor of Science in Psychology sa Southville International School and Colleges kung saan siya nakatanggap ng Dean’s Merit certificate.

“It is never too late and you are never too old to reach (for) your stars,” pagbabahagi ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram account.

Jodi was 23 when she married Pampi (Panfilo Lacson, Jr.), the son of Sen. Panfilo Lacson, Sr. at sila’y nabiyayaan ng isang anak na si Thirdy (Panfilo Lacson III), now 16 years old. Pero pagkaraan ng limang taon ay nagkahiwalay ang mag-asawa. Pampi is now in a relationship with former GMA actress na si Iwa Moto at may dalawa nang anak ang couple habang si Jodi ay kasintahan ngayon ang ex-husband ni Claudine Barretto na si Raymart Santiago although low-key ang relasyon ng dalawa.

Charlie may reunion movie with Paulo

MASAYANG ibinalita ng Kapamilya young actress na si Charlie Dizon (25) na magkakaroon sila ng reunion movie project ng kanyang “Fan Girl” co-actor na si Paulo Avelino (33) under the same team behind “Fan Girl” na humakot ng walong awards sa 2020 Metro Manila Film Festival including Best Picture, Best Actress (Charlie Dizon), Best Actor (Paulo Avelino) at Best Director (Antoinette Jadaone) at Best Screenplay (Antoinette Jadaone), among others. Isa ang fiancé ni Direk Antoinette na si Dan Villegas sa mga producer ng pelikula.

Charlie Dizon, who is April Rose Dizon Matienzo in real life, trained in South Korea who has become a good friend of Korean-American singer-actress na si Nancy McDonie ng Koreal girl group na Momoland. She is also a good dancer.

Charlie debuted as an actress sa pelikulang “Finally Found Someone” na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo at dinirek ni Theodore Boborol in 2017. Ito rin bale ang last movie ni John Lloyd bago siya nag-`leave of absence’from showbiz in October 2017. Ito’y sinundan ng “Loving In Tandem” at “Seven Sundays”. Kasama rin siya sa pelikulang “Sin Island” in 2018 at sa pelikulang “Four Sisters Before the Wedding”. Sa TV naman ay nagsimula siya sa TV series na “Bagani” na sinundan ng fantasy-drama series na “Parasite Island”. Nakasama rin siya sa 2020 primetime TV series na “A Soldier’s Heart” and she has an upcoming TV series na “Viral” kung saan niya mga kabituin sina Joshua Garcia, Jake Cuenca at Dimples Romana.

Ngayong isa nang established actress si Charlie, asahan ang tuluy-tuloy na pagsikad ng kanyang karera sa tulong ng Star Magic.

Pamela gusto pa ring magtrabaho para sa pamilya

ANG dating sexy star of the 90’s to early 2000-turned-director and a single mom na si Pamela Ortiz ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva.

Pamela’s eldest son is now 25 years old na anak niya sa yumaong TV director na si Argel Joseph habang may tatlo siyang anak sa kanyang dating Filipino-Chinese businessman partner kung kanino naroon ang mga bata.

Bilang single parent, gustong magtrabaho ni Pamela for her children maging sa mga kapatid na kanya pa ring tinutulungan.

Ilan sa mga pelikulang ginawa noon ni Pamela include “Alipin ng Tukso,” “Anghel de la Guardia” at “Mapupulang Rosas,” among others.

Anne at Solenn nagsosyo sa isang baby clothes business

PAREHONG baby girl ang unang baby ng mag-sister-in-law na sina Anne Curtis at Solenn Heussaff na sina Thylane Katana at Dahlia Amelie na magkasunod na isinilang nung January 1, 2020 at March 2, 2020.

Mister ni Anne ang executive chef at businessman na si Erwan Heussaff habang si Solenn ay mister naman ang Argentinian businessman na si Nico Bolzico. Kahit nung dalaga pa pareho sina Anne at Solenn ay very close na sila sa isa’t isa laluna nang sila’y maging bahagi ng Heussaff family.

Nakaisip ng business venture sina Anne at Solenn, ang Tili Dhali baby fashion line which they are dedicating to their respective daughters na sina Thylane at Dhalia. They formally launched their business sa market last Wednesday, June 23.

Since parehong fashion icons sina Anne at Solenn, hands-on ang dalawa sa mga baby clothes design ng Tili Dhali.

Subscribe, like, share ang hit the bell icon of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE