Yanzia

Yakapan video nina Zia at Sixto, nakaka-good vibes

November 28, 2022 Jun Nardo 279 views

UNFORGETTABLE ang 7th birthday ng panganay nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia.

Makikita sa Facebook account ni Yan ang ilang kaganapan sa selebrasyon ni Zia at sinigurado ni Yan na hindi ito malilimutan ng anak.

Ang isang video na talagang nakaka-good vibes ay ang yakapan ng magkapatid na sina Zia at Sixto.

Proud momma ang peg ni Marian sa dalawang anak.

Kaya naman si Yan, kuntento na sa buhay kahit tanging ang Tadhana lang ang show niya sa GMA dahil priority niya ang kanyang pamilya.

Tutal naman, may mga endorsement pang dumarating sa kanya, huh!

THE EDDYS, LEGIT ANG PAGBIBIGAY NG AWARDS

CONGRATULATIONS sa lahat ng winners ng The Eddys mula sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

At least sa SPEEd, talagang taga-entertainment industry ang namimili ng winners.

Legit na legit talaga, kumbaga, ang recognition na natanggap ng movie workers.

Marami na ang nagbibigay ngayon ng awards, acting man o hindi.

‘Yun nga lang, hindi natin alam kung talagang malaki ang kaalaman nila sa pagbibigay ng awards, huh!

Gayunpaman, mabuhay ang SPEEd sa pagpapatuloy ng tradisyon sa pagkilala sa legit na magagaling at karapat-dapat sa awards!

AUTHOR PROFILE