Xyriel Larawan mula sa IG/@mariestellar at @xyrielmanabat_

Xyriel Manabat nabuwisit sa katawan ni Maris Racal

December 7, 2023 People's Tonight 179 views

PINANGGIGILAN ng young actress na si Xyriel Manabat ang katawan ng ‘Can’t Buy Me Love’ actress na si Maris Racal.

Sa Instagram page ni Maris nitong Miyerkules, Disyembre 6, ibinandera ng aktres ang kanyang kaseksihan.

Suot ni Maris ang isang white crop kung saan masisilayan ang kanyang kurbada. Kapares nito ang isang black leather jacket at jeans.

“Working gal,” sey ni Maris sa caption ng kanyang post.

Hindi naman napigilang humirit ng ‘Senior High’ actress na si Xyriel sa kaseksihan ni Maris.

“NAKAKABUWISIT NAMAN PO YANG HUBOG MO PO OPO,” komento ng aktres.

Bukod kay Xyriel, pinusuan din ng netizens at napa-react din ang ilang celebrities sa hot body ni Maris.

“HOT,” wika ng aktres na si Liza Soberano.

Kinilig naman si Maris sa comment sa kanya ng aktres.

“Hopieee im kilig,” saad niya.

“Chixxx,” komento naman ng singer-vlogger na si Donnalyn Bartolome.

“ILOVE YOUUUUU,” wika pa ng singer na si Janine Berdin.

AUTHOR PROFILE