False

Xian, tumaas ang respeto sa mga buntis

May 23, 2022 Jun Nardo 430 views

GAME na game si Xian Lim na magsuot ng damit pambabae at wig. Para ito sa character niya bilang lalaking buntis sa unang GMA series niyang False Positive.

Eh, sa character niyang buntis, tumaas ang respeto ni Xian sa mga buntis.

“Kurot pa lang ang nararamdaman ko sa dami ng pinagdadaanan nila so that gives me a whole ‘mother level of respect to them dahil grabe, hindi biro,” pahayag ni Xian sa interview sa kanya sa 24 Oras ni Aubrey Carampel.

Eh, dahil magtatapos na ang False Positive at nanganak na si Jennylyn Mercado, waiting na si Xian sa resumption ng naudlot na series nila ni Kapuso actress na Love. Die. Repeat. na contrary sa tsismis ay hindi totoong na-shelve dahil sa kalagayan ni Jen.

FILM LAB

INULUNSAD ng Globe Prepaid Virtual Hang Outs ang latest pasabog nitong GoWatch Film Lab upang turuan ang mga batang filmmakers.

Ito ang ikalimang pillar and learning program ng Globe PrePaid under the Virtual Hangout platform.

Ang four-part workshops sessions ay simula lamang kung saan ang participants ay magkakaroon ng chance na i-pitch-in ang kanilang mga kuwento.

Mga bigating director ang bahagi ng workshop gaya nina Erik Matti, Jade Castro, Antoinette Jadaone at iba pa.

Open ito sa individuals, 16-27 years old na may kuwentong nais ibahagi at matuto ng filmmaking.

Nagsimula ang registration last May 21 hanggang June 1.

Sa June 4-5 at June 11-12 naman ang actual film lab.

AUTHOR PROFILE