Kimxian

Xian, tiba-tiba sa ‘I love you’ ni Kim

November 3, 2021 Vinia Vivar 135 views

Sinagot nina Kim Chiu at Xian Lim ang mga tanong sa kanila ng mga netizen sa latest vlog ng aktres.

Isa sa mga tanong ay kung ano ang advice nila sa long relationships since as we all know ay isa sila sa pinakamahabang relasyon ngayon sa showbiz.

Para sa KimXi, loyalty and trust sa partner ang pinaka-importante para tumagal ang relasyon.

“Loyalty, of course! ‘Yun ‘yung pinakaano – loyalty and trust sa partner mo. Loyal ka, loyal ‘yung partner mo, and then, mayroon kang tiwala sa partner mo na hindi siya gagawa ng kalokohan,” ani Kim.

“Iwas sa mga duda-duda, ganyan-ganyan. Selos-selos for sometimes,” dagdag pa ni Chinita Princess.

Umayon naman si Xian at dinugtong din niyang “it’s your duty and obligation as a boyfriend and as a girlfriend. It’s a duty and obligation to make each other happy every single day.”

May nagtanong naman kay Kim kung bakit nahihiya siyang magsabi ng “I love you” kay Xian at kinontra ito ng aktor.

“Huh? Parang sagana ako sa ‘I love you.’ Saan n’yo po nakuha ‘yung idea na nahihiya si Kim na mag-I love you?” sey ni Xi.

“Tiba-tiba pa nga ako sa ‘I love you’ ni Kim,” hirit pa ng aktor.

Ipinaliwanag din ng magdyowa na hindi lang sila mahilig sa PDA (public display of affection).

“Hindi tayo ma-PDA. Because I think, ‘yun tayo, eh. That’s our type of relationship, hindi kami ma-PDA,” anang aktor.

“Pero alam na namin ‘yun sa isa’t isa, ’di ba Xi?” sabi naman ni Kim.

Natanong din kung ilang years na ang kanilang relasyon at sey nila, secret na lang.

“Mas maganda hindi na magbibilang,” sambit ni Kim.

Hanggang apat lang daw ang pagbibilang dahil ang kasunod no’n ay forever na.

Sa tanong kung may project ba for KimXi very soon, ayon sa magdyowa, naghihintay pa sila ng magandang materyal na magiging gift nila para sa kanilang fans.

AUTHOR PROFILE