Kim

Xian on Kim: “Hindi ako…but I understand why her fans feel betrayed”

June 14, 2024 Eugene E. Asis 187 views

XianNAG-REACT nang husto ang supporters ni Kim Chiu dahil sa muling pagpapa-interview ni Xian Lim sa national TV tungkol sa kontrobersyal na breakup nila ng ex-girlfriend.

Sa panayam kay Xian sa “Fast Talk with Boy Abunda” ni Boy Abunda, nilinaw ng aktor at direktor na hindi siya ang nakipaghiwalay kay Kim tulad ng sinabi ng iba.

“To be completely honest, I wasn’t the one who engaged in the separation,” sabi ni Xian kay Kuya Boy. “Yun lang po siya. It’s that simple. I wasn’t the one who initiated the breakup.”

Pero nagulat si Xian nang tanungin siya ni Kuya Boy kung magkaibigan pa rin sila ni Kim pagkatapos ng breakup.

“Of course, of course. Nagulat ako sa tanong. Of course, yes!

“To be completely honest, ever since we went our separate ways, hindi pa po kami nakakapag-usap.

“But when that night happened, maayos yung pag-uusap namin.

“Of course, merong iyakan, but there was that assurance na we went through twelve years, di ba? Twelve years of our existence so it has that respect,” pahayag pa ng aktor. “Ang dami kasing kuwento. Yun nga yung mahirap sa isang public relationship.

“They’ve been there since day one nung panliligaw pa lang, all the way to more than a decade.

“People come up with all these made up lies kung anuman but we released our statement na we both decided to part ways.

Sunod na tanong ng mahusay na TV host: “If you have it your way, hindi pa kayo hiwalay ni Kim?”

Sagot ng aktor, “It’s such a delicate… I understand why the supporters are angry. I understand why they feel betrayed.

“Pero masakit din ‘yun para sa amin. They’re watching it from a distance. Eto kaming dalawa and we have our talks. Nag-usap kami privately.

“Hindi na kailangan pang himayin kung sino ang nagkulang. I think the length of it speaks for itself,” tila pagtatanggol sa sarili ni Xian.

Dagdag niya, “And ‘yung mga pambabatikos sa akin ng karamihan, I think they should just look at it from a lens na for more than a decade, I never had any… my record is clean and I’m proud of that.

“You’re not gonna see me in places you’re not supposed to see me. Yun lang siya. The time speaks for itself,” aniya pa.

At sa bintang ng iba na ginagamit niya si Kim para sa promo ng bago niyang pelikulang “Playtime” na palabas na ngayon sa mga sinehan: “It’s just sad na maraming intriga na lumalabas, especially against me. And I don’t wanna make it seem, like, ‘O bakit yan si Xian, ang ingay-ingay ngayon? Kung anu-ano ang pinagsasasabi because may pelikula?’

“It’s just a very delicate thing and I do understand why people are upset, but we are okay,” sabi pa ng tila hirap na hirap sa pagpapaliwanag na si Xian.

Well. mahirap talaga ang sitwasyon ng isang tao na ang kalaban ay loyal fans ng isang well-loved personality.

AUTHOR PROFILE