Xian

Xian, nawindang sa isyung bading

February 21, 2022 Vinia Vivar 211 views

Aminado si Xian Lim na talagang na-traumatize siya noon sa intriga sa kanyang pumapatol siya sa bading.

Sa kanyang panayam sa online show ng Monster RX 93.1 radio station, sa rami ng intrigang naranasan niya, ito raw ang craziest talaga na narinig niya.

“Na parang ‘ah, kaya lang sumikat ‘yan kasi pumapatol ‘yan sa bading’ or something like that,” aniya.

Pero na-realize rin daw niya na lahat ng lalaking artista ay natsitsismis din ng ganu’n.

“Everyone gets that. If you’re a leading man or if you’re in the industry, people always say na ‘ah, meron ‘yang backer, nakipag-date ‘yan sa bading, may sponsor ‘yan,’” he said.

“So, parang at first, I was so traumatized by that. Na parang ‘hala! Hala! Ano na sasabihin ng pamilya ko?’ or whatever. Parang ‘talaga ba?’ Ano ba nagawa ko? I do my best to stay away and yet mayroon pa rin silang sinasabi,” patuloy niya.

Hindi naman daw niya sinasabing homophobic siya pero siyempre, pinangangalagaan din daw niya ang kanyang pangalan and yet, natsismis pa rin siya sa bading.

“And sometimes, they would say, ‘Xian Lim is ano raw, he likes men.’ I’m like, ‘huh?’ Ah okay, sige, bahala kayo,” natatawa niyang kwento.

Pero ‘yun nga, nalaman din niyang normal nang tsimis ito sa mga baguhang male star at ang term nga niya rito ay “intriga starter pack.”

Samantala nag-guest si Xian sa nasabing show to promote his latest film na Bahay na Pula under Viva Films directed by Brillante Mendoza.

Kasama niya rito sina Julia Barretto at Marco Gumabao, streaming Feb. 25 on Vivamax.

MALE COUNTERPARTS

Ngayong na-establish na niya ang career ng mga sexy angel niyang sina AJ Raval, Angeli Khang, Ayanna Misola at Cara Gonzales, sa kanyang male talents naman naka-focus ang talent manager na si Jojo Veloso.

Nauna na niyang ini-launch ang dalawang hunks na sina Rash Flores at Massimo Scofield.

Si Rash ay in-introduce sa pelikulang Palitan na napapanood sa Vivamax habang si Mossimo naman ay kasama sa Mahjong Nights at Silip sa Apoy.

Ngayon ay may dalawa na namang bagong hunks na nadagdag sa kwadra ng Philmoda Artist Management ni Jojo. Sila ay sina Benz Sangalang at Chadd Solano, both signed a five-year, 10-picture contract with Viva Films.

Hindi naman totally new sina Benz at Chadd showbiz. Ang una ay nakasama sa movie ni Joel Lamangan na Rainbow Sunset at isang indie film na Men In Uniform.

“I joined Philmoda kasi mas malaki ang opportunity na makilala ka, lalo na you are in showbiz. You need a manager na makakatulong sa career mo,” sabi ni Benz na isa ring YouTuber at may malaki ring following.

Palaban din sa paghuhubad si Benz. Aniya, “Okay lang maghubad basta kailangan at may plaster lang, at siyempre may permission from Tito Jo.”

Si Chadd naman ay matagal na rin sa showbiz dahil dati siyang miyembro ng all-male singing group na Masculados. Lumabas na siya sa ilang TV shows at sa pelikukang Bamboo Flowers directed by the late Maryo J. delos Reyes.

“Actually marami ang nag-offer sa akin na i-manage ako, pero Philmoda ang pinili ko kasi maraming artista na galing Kay Tito Jojo na sumikat at hanggang ngayon yung iba nasa showbiz pa din.

It means marunong siya mag-alaga ng kanyang mga talent,” sabi ni Chadd.

Nakatakda nang simulan ni Chadd ang pelikulang Virgin Forest sa direksyon ni Brillante Mendoza.

Tulad ni Benz, wala ring takot sa paghuhubad si Chadd.

Samantala, ibinahagi ni Jojo na talagang naging challenge sa kanya ang maghanap ng male talents na ipangtatapat sa kanyang apat na female sexy stars.

Aniya, talagang masusi niyang pinili ang apat na hunks.

“After I have successfully launched the careers of my sexy angels (AJ, Angeli, Ayanna and Cara), and their movies continue to dominate Vivamax live streaming until now, I find it more challenging to discover new male actors who can act and yet willing to do daring roles or frontal nudity, if needed, just like their female counterparts. And I’m glad I found my hunks,” pahayag ng talent manager.

AUTHOR PROFILE