Kimxi

Xian, nawala ang fear of heights dahil kay Kim

March 24, 2022 Vinia Vivar 458 views

Isang appreciation post para sa boyfriend na si Xian Lim ang ibinahagi ni Kim Chiu sa kanyang Instagram followers.

Pinasalamatan ni Kim si Xian sa lahat ng ginagawa nito sa kanya para mapasaya siya.

“Appreciation post to the most conXIstent human being right here. Since the day we met up to this day, thank you for always doing the things that make me happy. For going the extra mile just to make sure I never loose (sic) that smile on my face,” ang simula ng caption ni Kim sa ipinost na IG reels.

Makikita sa video ang ilang shots mula sa latest beach adventure nila kung saan ay nag-parasailing ang magkasintahan.

“I remember before ayaw na ayaw mo ang heights but this day, I was so shocked na ikaw pa nag book and we did it together, me being super happy, ikaw… uhm I know deep inside happy ka! next time bungeejump na and skydiving! haha,” sey pa ni Kim.

Noon pa ay alam ng lahat na may fear of heights si Xian pero dahil nga isa sa mga favorite ni Kim ang ganitong adventure, talagang na-conquer niya because of his love for her.

Pagtatapos ni Kim, “But never the less I just want to say THANK YOU for being you. Cheers to more crazy adventures together para maging #KimXiadvenCHIUreunLIMited na #ily @xianlimm.

“Reliving my song #OkayNaAko from my album last 2017. Wala lang parang cute lang nung naghahanap ako ng kanta for this reels,” pagtatapos ni Kim.

AUTHOR PROFILE