Kim

Xian, iwas long ride sa mahal ng gasolina

March 11, 2022 Vinia Vivar 395 views

Pati si Xian Lim ay umaray na rin sa sobrang taas ng presyo ng gasoline ngayon.

Sa kanyang recent Instagram post ay makikita na nanlaki ang mata ni Xian sa pagka-gulat habang nagpapa-gas ng kanyang motor.

Sa caption ay idinaan na lang niya sa biro ang ang kanyang reaksyon pero sa huli ay sinabi niyang pass muna siya sa mga long motorcycle ride ngayon.

“Wala ba akong karapatan mag mahal?! Ang dami dami niyong sinasabi. Ayoko na. Pag nagmamahal ako, ang daming taong nagagalit. — Gasolina.

“Pass muna sa long rides. Kape kape muna sa kanto,” ang caption ni Xian.

As we all know, isa sa hobbies ni Xian ang pagmo-motor at kung saan-saan na siya nakarating gamit ang kanyang motorsiklo.

AUTHOR PROFILE