Kim

Xian, inutusan ng inang magpa-tetanus shot

January 7, 2022 Vinia Vivar 180 views

Magaling na ang sugat sa ulo na tinamo ni Xian Lim nang makagat siya ng fake crocodile sa Zoobic Safari last week.

Sa update ni Xian sa kanyang Instagram post, okay na ang injury niya pero three days daw siya talagang pinagalitan ng kanyang ina dahil natetano siya.

“Bawi na lang sa 2023. Yes, 3 days akong pinagalitan ni @mommymaryanne sa ginawa ko at sa nangyari. Natetanus daw ako at lahat lahat na ng sakit. Magaling na po ang sugat ko. Maraming salamat sa lahat ng nag message sa akin,” post ni Xian.

Nag-react naman ang girlfriend niyang si Kim Chiu ng “see-no-evil monkey” emojis.

Sagot naman ni Xi sa GF, “Nagkakaubusan na ng gamot. yakapsul at kisspirin nalang ok na ako.”

Sumagot naman ang mommy ng aktor ng, “Yes I agree, along with a tetanus shot. Sa Amang Rodriguez walang masyadong tao, okay schedule ni Doc this Friday.”

Matatandaang last week ay dinala ni Xian ang mommy at lola niya sa Zoobic Safari. Kung bakit naman isinuot niya ang kanyang ulo sa bunganga ng fake crocodile na may matatalas na ngipin.

So, paglabas niya, nasabit sa ngipin ng crocodile ang kanyang ulo.

Ipinost nga rin ni Xian ang video ng nangyari at ipinakita rin niya ang sugat sa ulo.

Panay ang kantyaw sa kanya ng mga follower niya sa nangyari at tawa sila nang tawa sa kakulitan ng aktor.

AUTHOR PROFILE