Xian

Xian, cool na direktor — Cindy

June 19, 2024 Ian F. Fariñas 194 views

COOL na direktor si Xian Lim, ayon kay Cindy Miranda, isa sa mga bida ng Kuman Thong sa ilalim ng Viva Films at Studio Viva.

Kwento ng beauty queen-turned-actress sa mediacon kahapon ng pelikulang mapapanood na sa mga sinehan simula July 3, binigyan sila ni Xian ng freedom na gawin kung ano ang sa tingin nila ay mas makakaganda sa pagganap nila sa kanya-kanyang karakter.

Bukod kasi sa pagiging direktor, si Xian din ang nagsulat ng script at nag-conceptualize nito katulong ang bagong girlfriend na si Iris Lee.

Ang horror movie na Kuman Thong (direct translation: ‘golden young boy’) ay kinunan sa Thailand sa loob ng halos isang linggo.

Hango ito sa Thai occult tradition kung saan ang isang piguring may espiritu ng bata ay maaaring magdala ng swerte kapag binigyan ng tamang paggalang o kapahamakan kung hindi ito maaalagaan.

Ani Cindy, “Ang napansin ko po sa kanya (Xian), very passionate po siya sa pagiging direktor niya. Sabi niya nga, 15 years na po siya nag-a-act, so naiintindihan niya ‘yung kami, as an actor. ‘Yun nga po ang sabi niya, ‘wag kaming mag-alala kasi naiintindihan niya lahat ng proseso namin. So, pagdating po du’n sa Thailand, hindi po siya nagalit. Never ko po siya nakitang magalit as in never uminit ang ulo niya kahit sobrang init. Kasi nakakainit po talaga ng ulo ang init sa Thailand. But si Xian po, ‘yun nga po, whatever you feel, gawin mo kung ano ‘yung… mas nakakakaba po. Walang actor’s cue, game tayo.

“Sabi nga po ni Direk Xian, kung may gusto kaming palitan, palitan namin, wala naman pong problema sa kanya. So, ganu’n din po siya ka-open na hindi na niya sinasabi na dapat kung ano lang ‘yung sinulat namin, ‘yun lang ang gagawin n’yo. We were free to do kung ano ‘yung nasa isip namin na tama, na hindi awkward sabihin,” patuloy pa ng aktres.

Anyway, bukod kay Cindy, kasama rin sa cast ang award-winning child star na si Althea Ruedas, Emman Esquivel at Thai actors na sina Max Nattapol Diloknawarit at Jariya Therakaosal.

AUTHOR PROFILE