Xian at Kim wala pa ring balak magpakasal

July 22, 2021 Aster Amoyo 781 views

TAHIMIK lamang ang naging birthday celebration ng singer-actor, director, producer at host na si Xian Lim sa kanyang 32nd birthday last July 12 with his girlfriend na si Kim Chiu.

Although matagal-tagal na rin ang relasyon nina Xian at Kim, wala pa umano sa kanilang immediate plans ang pag-settle down dahil marami pa silang gustong ma-achieve individually.

It was in 2018 when Xian moved to Viva from Star Magic ng ABS-CBN. Ngayong nasa bakuran na siya ng Viva, open siyang makagawang muli ng proyekto sa ABS-CBN at maging sa ibang TV networks tulad ng TV5 at GMA.

Katunayan, katatapos pa lamang niyang mag-host ng local franchise ng game show na “1,000 Heartbeats: Pintig Pinoy” nung nakaraang buwan na produced ng Viva TV and shown on TV5. Next project niya ay isang teleserye sa bakuran ng GMA na pagtatambalan nila ni Jennylyn Mercado.

The singer-actor-host will remain indebted to ABS-CBN kung saan siya nagsimula at nakilala.

Samantala, tapos nang gawin ni Xian ang “Yorme: The Musical” movie tungkol sa buhay ng actor-politician na si Manila Mayor Isko Moreno kung saan niya kasama si McCoy de Leon at Janno Gibbs who plays the role of Kuya Germs (German Moreno).

Si Xian din ang napisil para mag-host sa 2021 Miss World Philippines sa darating na Linggo, July 25.

Ang isang ikinatutuwa ni Xian ay diversified ang kanyang talent hindi lamang sa pagkanta at pag-arte kundi sanay na rin siyang mag-host sa iba’t ibang beauty pageants. Isa ring health and sports buff ang singer-actor who is into basketball on his free time.

Heart makakasama si Chiz kahit nagtatrabaho

NATULOY na rin sa wakas ang lock-in taping ng bagong primetime TV series ng GMA, ang “I Left My Heart in Sorsogon” na pinagtatambalan for the very first time nina Heart Evangelista at Richard Yap na parehong nagsimula ang career sa ABS-CBN pero ngayon ay pareho na silang Kapuso. Kasama rin sa nasabing serye sina Paolo Contis, Mavy Legaspi at iba pa mula sa pamamahala ni Mark Sicat de la Cruz.

Although lock-in ang kanilang set-up, may pagkakataon silang makapamasyal sa magagandang lugar ng Sorsogon on their free time.

Na-miss din ni Heart ang paggawa ng isang TV series. Ang huli niyang ginawa ay ang “My Korean Jagiya” with Korean actor Alexander `Alex’ Lee na nagtapos nung January 2018. Ilang bahagi ng serye ay kinunan sa Seoul, Korea.

Ngayong sa hometown ng kanyang husband na si Sorsogon Governor Chiz Escudero ang kanilang location, extra special ito kay Heart dahil madalas niyang makikita at makakasama ang kanyang husband who is returning sa Senado sa darating na 2022 elections.

Showbiz comeback ni Claudine inaasahang tuluy-tuloy na

UMAASA ang fans ng comebacking actress na si Claudine Barretto na tuluy-tuloy na ang muling pagiging aktibo nito sa showbiz. Katatapos lamang gawin ni Claudine ang kanyang comeback movie at reunion movie nila ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez na pinamagatang “Deception” na sinulat ng writer-director na si Easy Ferrer at direksyon ng award-winning director na si Joel Lamangan. Ang nasabing pelikula ay joint venture ng Viva Films at Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio.

Now a single parent to her four kids, Claudine admits na hands-on umano siya sa pag-aasikaso sa kanyang apat na ana na sina Sabina, Santino, Quia at Noah laluna sa dalawang bunso niyang anak na pareho pang mga bata. Sa apat, tanging si Santino lamang ang kanyang biological son sa kanyang ex-husband na si Raymart Santiago habang sina Sabina, Quia at Noah ay kanyang adopted children.

“They are my source of joy,” pag-amin ni Claudine.

Boobsie naging masalimuot ang buhay

ANG veteran singer-comedian-host na si Allan K. ang naka-discover sa singer-comedienne-actress-host na si Boobsie Wonderland (Mary Jane Arabis) nang ito’y kanyang maispatan sa Dubai habang ito’y nagpi-perform. Allan K. convinced Boobsie na bumalik ng Pilipinas para rito nito ipagpatuloy ang kanyang pagiging isang stand-up comedienne.

Nang pabalik ng Pilipinas si Boobsie Wonderland ay doon lamang niya na-discover na over-staying na pala siya sa Dubai na inakala niyang inasikaso ng kanyang Arab employer.

Sa tulong ni Allan K. ay ilang beses nakapag-guest si Boobsie sa “Eat Bulaga” kung saan isa sa mga regular mainstay ang singer-comedian host hanggang sa maging in-demand na rin siya sa mga comedy bars at guestings iba’t ibang programa sa telebisyon . Nung nabubuhay pa ang Master Showman na si Kuya Germs (German Moreno) ay ginawa siyang regular sa “Walang Tulungan with the Master Showman” na nagtapos lamang sa ere nang sumakabilang-buhay ang actor-comedian-host at star builder nung 2016. Pero ngayon ay meron siyang tatlong programa sa Net25.

Masalimuot ang naging buhay noon ni Boobsie. She was still a baby nang magkahiwalay ang kanyang parents dahil hindi pabor ang pamilya ng kanyang ama sa kanyang ina. Nagkaroon ng ibang pamilya ang kanyang ama sa Cebu gayundin ang kanyang ina. Thirty years later ay saka lamang nagkita at nagkilala si Boobsie at ang kanyang ama at hindi maikakaila na sila’y mag-ama dahil magkamukha sila. It was a tearful reunion sa mag-ma na mahigpit na nagyakapan. Nakilala rin ni Boobsie ang kanyang younger siblings sa side ng kanyang ama.

Ngayong pareho nang balo ang kanyang respective parents, gusto sana ni Boobsie na muling magkabalikan ang dalawa. Gusto ng kanyang ama pero ayaw na umano ng kanyang ina dahil matatanda na umano sila. Pero nanatiling in touch si Boobsie sa kanyang ama at mga kapatid na naka-base sa Cebu.

Unknown to many, si Boobsie ay nagumon noon sa sugal na naging daan para mawala ang marami sa kanyang investments including her expensive cars at nagkandautang-utang siya. Dumating pa sa point na gusto na niyang wakasan ang kanyang buhay pero bago pa man ito mangyari ay masinsinan siyang kinausap ng kanyang ina at doon umano siya natauahan. Hindi rin makalimutan ni Boobsie ang pagkakataon na lumapit siya sa isang kaibigan para manghiram ng pera pero siya’y tinanggihan bagay na kanyang ikinasama ng loob. Pero natutong bumangon si Boobsie at nagsimulang muli sa kanyang karera.

Ang isa pang matinding pinagdaanan ni Boobsie ay nang magkahiwalay sila ng kanyang mister na si Jose Valero sa loob ng pitong taon dahil sa fake news na may iba umano siyang karelasyon habang siya’y nagta-trabaho sa Dubai. Nakipag-relasyon sa ibang babae ang kanyang mister at bilang ganti ay nakipagrelasyon naman si Boobsie sa kapwa niya babae. Umabot ng pitong taon ang kanilang hiwalayan pero muli silang nagkabalikan. Hindi nagkaroon ng biological child or children ang mag-asawa matapos magka-miscarriage si Boobsie pero meron silang dalawang adopted sons.

When Boobsie was 14 ay nakarating siya ng Japan bilang entertainer dahil dinaya noon ang kanyang edad at ginawang 18.

Dahil sa matitinding pinagdaanan noon ni Boobsie ay marami umano siyang leksyon na natutunan sa kanyang buhay and It made her a better person at naging positibo ang kanyang pananaw.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalkWithAsterAmoyo on YouTube. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE