Ruru

Writer ng ‘Lolong,’ planado ang pagpapakamatay

August 10, 2022 Jun Nardo 763 views

WRITER ng Kapuso dambuhala-serye na Lolong ang babaing natagpuang patay sa bahay nila kahapon sa Kundiman St. sa Sampaloc, Manila, na medyo malapit sa bahay namin.

Una naming nabasa sa social media ang post ng isang radio station.

Kinumpirma naman ito sa amin ng isang taga-GMA.

Pinili naming huwag nang banggitin pa ang name ng writer bilang respeto sa mga naulila niya.

Eh, sa isang source na naka-Messenger namin, suicide umano ang dahilan ng pagkamatay.

Planado ang balak niyang kitlin ang sariling buhay.

May nakakita pa sa kanyang may dala-dalang mga tali sa labas bago pumasok ng bahay.

May depression daw ito.

Nakikiramay kami sa mga naulila ng writer ng Lolong na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

AMBS NETWORK, INUNANG ILUNSAD ANG RADIO STATION

RADYO muna ang unang sinabakan ng AMBS Network ng Villar Group of Companies.

Nasa pangangalaga na ng VGC ang radio station na K-Lite 103.6, flagship ng bagong network.

Sa Level 2 ng Starmall, Shaw Blvd., Mandaluyong City ang bagong bahay nito.

Mapapakinggan pa rin sa station ang kanilang in- house dic jockeys na sina DJ Jabee Jariol at DJ Aly Esplana.

Ilulunsad din nito ang Search for Kampus Krew para sa qualified students at aspiring voice talents.

Ayon sa chairman ng Villar Group na si Manny Villar, “This marks the beginning of our venture into the entertainment business.”

Ang mga TV show na ilulunsad ng AMBS Network ang inaabangan ngayon ng publiko.

AUTHOR PROFILE