Ceremony Pinangunahan nina Committee of Division 3A Lt. Governor Francis Villegas at Philippine Luzon District Governor Mario Marasigan, ang pagpapalipad ng kalapati bilang simbolo sa seremonya ng pagdiriwang ng Kiwanis week sa buong mundo. Kuha ni Jon-jon Reyes

Wreath laying ceremony para kay Jose Rizal, inalay ng Kiwanis

January 22, 2022 Jonjon Reyes 246 views

Nagsagawa ng wreath laying ceremony ang grupo ng Kiwanis sa bantayog ng pambansang bayani na si Dr.Jose P. Rizal sa Luneta Park, Roxas Blvd., Manila sa pangunguna ni Philippine Luzon District Governor Mario Marasigan.

Matapos na ipagdiwang ang taunang anibersaryo at pagbubukas ng salvo na magsasagawa ng iba’t ibang palakasan o sports competitions sa mga bawat club at division level bilang isang fundraising games kung saan ito ay isang fellowship sa Kiwanis Philippine Luzon District.

Ngunit dahil sa mahigpit na pinapairal na COVID-19 health protocols ay pansamantala munang kinansela ang mga nasabing aktibidad at gaganapin na lamang ito sa mga susunod na buwan.

Kabilang naman sa mga dumalong opisyal ng nasabing grupo ay sina Gov. Elect Johnny Domino–District Treasurer, Glenda Hufano–past governor, at Rucil Contrevida samantala ang iba naman ay tumutok sa online activities kasama ang Philippine Luzon District na binubuo na ngayon ng 305 na mga clubs na may mahigit sa 6,000 miyembro.

Pinangunahan naman nina Committee of Division 3A Lt. Governor Francis Villegas at Division Secretary Amphy Lim ang paghahanda para sa seremonya at programa sa Luneta Park at binubuo nito ng 13 club officers at miyembro na sina Atty. Cleopatra Jorquia, Francesca Camina, Ezelle Gascon, Daisy Anzures, Elton Tan, Tan Yu, Virginia Paloma, at Miriam Cruz.

Ang simbolikong seremonya ay pinangunahan naman ng Philippine Marine Battalion kabilang ang 21-gun salute at musical band sa pamumuno ni Philippine Navy VADM Adeluis S. Bordado bilang Flag Officer In Command ng Philippine Navy.

Ang Kiwanis ay itinatag noong Hulyo 11, 1964 na may bisyon at misyon dahil sa kanilang boluntaryong paglilingkod sa mahihirap tulad ng ginagawa ng pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na nakatala sa kanyang libro na: “A La Juventud Filipina” at nakatuon ito sa mga kabataan na nagsasabing pag-asa ng inang bayan.

Ayon naman sa tagapagsalita ng Kiwanis, naniniwala sila sa kataga ni Dr. Jose P. Rizal na kapag sinanay ang mga young leaders sa kanilang murang edad ay magkakaroon ng mahuhusay na lider na mag-aasikaso sa bansa tungo sa pag-unlad. Nina JON-JON REYES & C.J. ALIÑO

AUTHOR PROFILE