LOL

Working visa ni KC, areglado na

October 11, 2021 Ian F. Fariñas 390 views

NAKAISANG taon na rin pala ang Lunch Out Loud daily noontime show ng Brightlight Productions at TV5.

Nu’ng una, madalas itong maliitin ng ilang kampo na nagsasabing hindi ito magtatagal at tsutsugihin din sa ere gaya ng iba pang Brightlight shows sa Singko tulad ng I Got You, Sunday Kada at Sunday Noontime Live.

Kaya naman ganu’n na lang ang pasasalamat ng creative producer nitong si Direk Bobet Vidanes at ang mainstays na pinangungunahan ng hosts na sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, K Brosas at Bayani Agbayani.

Siyempre, masaya rin sa pagpapatuloy na show ang iba pa nilang mga kasamahan gaya nina Ariel Rivera, Wacky Kiray, Jeffrey Tam at KC Montero, na tatlong buwan din daw nawala sa eksena dahil nga sa naging problema sa working visa at pagkakaroon ng Covid-19.

Actually, sa loob ng isang taon, marami raw sa kanila ang tinamaan ng coronavirus pero gumagaling naman agad.

Sa set visit kahapon para sa unang anibersaryo ng programang produced ni dating Cong. Albee Benitez, nilinaw ni KC na bukod sa isa siya sa mga taga- LOL na tinamaan ng Covid-19, kinailangan niyang kumalas sa show sandali para ayusin ang nag-expire na working visa.

“Ayos na, ayos na. Legal, legal. Okay na. Three months tapos nagka-Covid ako. March or February, February,” kwento niya sa showbiz press.

Two months din daw ang itinagal ng pag-aayos ng papeles niya bago nakabalik sa LOL.

“May work visa ako dati, pero na-expire. It took two to three months. But everything is fine, everything is good. I’m happy to be able to work again, no problem anymore,” masayang balita pa ni KC sa taping break ng LOL.

AUTHOR PROFILE